Chapter 25

30.3K 1K 112
                                    

ELLA'S P.O.V.

Nagising ako dahil sa lamig na nararamdaman ko. Hinanap ko agad ang comfotrter ko, pagkapa ko sa comforter ko, bigla akong napabalikwas ng bangon. May nakapa kasi akong matigas.

"Oh-my-Pignesh!" namilog pa ang mga mata ko ng makita ko ang sarili ko. Hindi ito ang suot kong damit. Bagama't naguguluhan ako, hinila ko ang comforter at itakip ko sa damit ko. Bigla pa akong kinabahan nang makita ko si Andrei na nakadapa at walang suot na short. "A-Anong nangyari sa'min?"  pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Ngunit wala akong maalala na kahit ano, kung kaya't ginising ko si Andrei upang tanungin.

"Good Morning," nakangiti niyang sabi sa'kin.

"Anong nangyari sa'tin, Andrei?"
Ngumiti siya sa'kin, wag kang mag-alala walang nangyari sa'ting dalawa. Hindi ko naman sasamantalahin ang kahinaan mo kagabi."

Daig ko pa ang nabunutan ng tinik ng malamang walang nangyari sa'ming dalawa. Dahil kapag may nangyari sa'ming dalawa hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Kung gano'n sino ang nagpalit ng damit ko?"

Umiwas ako ng tingin nang bumangon siya at nagsuot ng short. Naka-brief lang kasi siya ng makita ko siya habang natutulog.

"Hindi ko alam kung paano ka binihisang ng babae sa Information desk.

"Salamat naman pala kung gano'n." tumayo ako at pinulot ang mga suot kong damit kagabi. Pagkatapos nagtungo ako sa banyo. "Maliligo lang ako Andrei." Sabi ko, bago ako pumasok ng banyo.

Habang dumadaloy sa katawan ko ang tubig na galing sa shower. Hindi ko mapigilang isipin ang nangyari sa'min. Ang huli ko kasing natatandan uminom kaming dalawa ni Andrei sa isang bar.

Huminto ako sa pagsasabon sa katawan ko, ang sabi ng mga naka-experience ng first time, masakit daw iyon at parang lalagnatin dahil masakit ang katawan mo lalo na ang parte ng katawan mo na mula sa bewang pababa. Pinakiramdam ko ang sarili. Wala naman akong nararamdaman na kahit anong sakit.
"Wala ngang nangyari samin ni Andrei."

Paglabas ko ng banyo, may nakahandang pagkain sa'ming dalawa, habang si Andrei ay bising-bisi sa hawak-hawak niyang libro.
Lumapit ako sa kanya. "Anong ginagawa mo?"

Tumingin siya sa'kin at ngumiti. "Tapos ka na pa lang maligo, kumain muna tayo bago umuwi." Tinilop niya ang libro at pinaghain niya ako ng pagkain.

Salamat, ano nga pala 'yang nire-review mo?"

"Makiki-usap akong bigyan ako ng special Exam ni Sir Weibford, kapag hindi kasi ako pumasa sa kanya, hindi ako makakagraduate."

"Si Kuya Calixto," ngumiti ako sa kanya. Tutulungan kitang maka-usap sa kanya."

Lumapad ang ngiti niya. "Sigurado ka Ella?"

Ngumiti ako sa kanya. "Para sabay tayong maka-graduate."

"Thank you, ang bait mo talaga."

"Umuwi na tayo, siguradong nag-aalala na sa'kin ang parents ko."

"Ihahatid kita sa inyo."

"Wag na, siguradong iba ang iisipin ng parents ko."

"Sigurado ka, hindi ba muna tayo kakain?"

Tumango ako, "Tara na,"

Ngumiti siya sa'kin, pagkatapos niligpit niya ang gamit niya at umalis na kami,  Nakayuko pa ako habang palabas kami ng hotel.

***

"Ella!"

Gulat na sabi sa'kin ni Mommy, lumapit siya sa'kit at niyakap niya ako. "Saan ka ba nanggaling?"

"I'm sorry Mommy."

"Are you okay?"

Tumango ako. "Sorry, nabigo ko naman kayo."

Hinawakan ni Mommy ang mukha ko habang nakatitig siya sa'kin. "Wag mo'ng isipin ang nangyari kahapon. Nagkaroon ng imbestigasyon ngayon kung bakit nagkaroon ng gamot sa niluluto mo. Wag mo na rin isipin ang mga Teachers at Judge. Nakalabas na sila ng hospital."

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Where stories live. Discover now