Chapter 40

40K 1K 60
                                    

Chapter 40

ELLA'S P.O.V.

Unconditional love - in its most simplest form - means appreciating someone else for who they truly are. It means loving them when they are unlovable, and in spite of their imperfections and mistakes. At a deeper level, it means never, ever questioning whether you'll feel any other way toward a person. It's just a comfortable knowing that this is a constant in your life. It will always just "be."

By Alexandra churchill

*****

"Ella, wag kang umiyak ang make up mo."

Paulit-ulit kong naririnig sa kanila habang ina-ayusan ako sa loob ng bahay. Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng magpropose si Shawn sa'kin. Heto na kami ngayon ikakasal na kaming dalawa. Sa dalawang buwang na iyon sinikap kong magbawas ng timbang, dahil gusto ko magkasya naman ang wedding dress na isusuot ko at hindi naman mag mukhang nakakatawa sa iba ang tingin sa'min kapag kinasal kami. Ang dating timbang ko na eighty kilos nabawasan ako ng labing dalawang kilo sa loob ng dalawag buwan. Hindi biro naman ang pinagdaan kong hirap at displina para pumayat ako kasama ko si Shawn sa pag-e-exercise at pagba-boxing, tapos siya pa ang nagluluto ng pagkain ka. Kaya sixty eight kilos na ako ngayon. Mataba pa rin pero marami ng kasyang wedding dress ang masusuot kung mag-aarkila ako ng wedding dress. Pero syempre hindi basta-basta ang groom ko. Hindi naman siya papayag na arkila lang ng damit syempre patahi ang suot kong wedding dress at take note sa sikat na designer pa sa london pinatahi. Kahit mataba ako parang feeling ko nakaka-sexy ang wedding dress ko at syempre nakakaganda. Sabi nila kapag virgin ka raw na ihaharap sa altar puting-puti ang isusuot mo'ng wedding dress kaya mas lalo tuloy nagpatingkad ang puting kulay sa mga desenyo niya. Sobrang haba rin ng belo. Hindi ko tuloy ma-iwasang mapaluha sa kaligayahan.

Pinahid ko ang mga luha ko gamit ang panyo ko habang nakaharap ako sa salamin. "Ang ganda-ganda ko ngayon."

"Ella, anak wag kang umiyak baka pagdating mo sa simbahan maga na ang mata mo." Ani Mommy sa'kin.

Naka-ayos na si Mommy, masasabi kong sa edad niya ngayon makikita mo pa rin sa kanya ang ganda niya.

"Mommy, masaya lang po ako ngayon."

"Hay, naku! Kung hindi ka titigil sa kaka-iyak mo, magtatagal sa'yo ang make up artist mo. Sige ka baka mainip si Shawn Skyler."

Tumango ako at pinigil ko ang pag-iyak ko. Nami-miss ko agad si Shawn Skyler.

Habang ina-ayusan ako ang daming nakapaligid sa'kin may nagvi-video at kumukuha ng larawan. Hindi ko tuloy alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko sa kanila.

"Perfect!"

Kasabay no'n ang sunod-sunod na pagkislap ng camera sa'kin. Pina-ikot pa ako sa salamin at pinag-model pa ako ng ilang minuto.

"Ikaw na yata ang mataba na pinaka-sexy at magandang bride na nakita ko." Sabi ng make up artist ko. Nagpa-ikot-ikot pa siya harapan ko habang pinagmamasdan ako.

"Thank you," tipid kong sagot.

"Let's go! Kanina pa naghihintay ang groom mo." Ani Mommy.

Taas noo akong naglakad palabas ng bahay namin. Hawak-hawak ni Loren at Annaliza ang mahaba kong belo. I-isa ang disensyo at itsura ng damit ng abay kong lalaki at babae kaya hindi ko ma-iwasang mapahanga sa ganda ng dalawa kong piggy besh na kinarir na yata ang pagiging sexy.

Pagsakay ko ng wedding Car. Biglang tumawag si Shawn. Napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan niya sa screen. Bumibilis na agad ang tibok ng puso ko, nabasa ko pa lang ang pangalan niya. Hindi ko na rin ma-intindihan ang nararamdam ko, pabilis nang pabilis ang kilig na nararamdam ko habang papalapit kami ng simbahan. Sa halip na sagutin ko ang tawag ni Shawn, hinayaan kong tumunog nang tumunog. Pagkatapos bigla siyang nagtext.

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Место, где живут истории. Откройте их для себя