Chapter 1

86.7K 1.9K 271
                                    

Ella Marie's P.O.V

SABI ng matatanda kailangan pagtilaok ng manok sa madaling araw gising ka na para marami kang blessing na natatanggap. Kaya heto ako ngayon dahan-dahang naglalakad pababa upang magtungo sa kusina. Alas siyete pa ng umaga ang pasok ko. Usually ala-singko ng umaga ako nagigising. Pero dahil na grounded ako ngayon sa kusina. Heto ako ngayon maagang nag-alarm para kumuha ng blessing ni God. Alas-tres pa lang gising na ako para walang makakita sa'kin. Tulog pa ang lahat ng tao sa bahay namin. Madalas kasi alas-kwatro ng umaga nagigising ang mga katulong namin. Para akong ninja na ingat na ingat sa mga kilos. Nang makarating ako sa Kusina. Kinuha ko ang Back pack ko at binuksan ko iyon. Nagmadali akong buksan ang refrigerator.  Kinuha ko ang nga prutas na naroon. Mansanas, Orange, ubas, tapos naglagay din ako sa malaking baunan ng Cake at graham cake. Hindi ko rin pinalampas ang tinapay at hotdog. Sabi nga lubusin ang maagang blessing.

"Tama na siguro ito. Medyo diet ako ngayon. Baka kasi mahalata ni Mommy."  Pagkatapos sinarado ko na ang refrigerator. Halos hindi ko na maisara ang bag ko dahil sa dami ng laman.  "Next station!" Ninja moves na naman akong lumabas ng bahay. "Nakakasexy naman ang pagiging ninja My pignesh! Pawisan na pati kilikili ko." pinunasan ko pa ang noo ko gamit ang palad ko. "Ewan ko ba kung bakit pinagpapawisan ako. Ang lakas naman ng aircon sa loob ng bahay. Ganito siguro kapag maganda. Pinagpapawisan."

Lumabas ako ng bahay at agad pinuntahan ang kotse namin binuksan ko iyon at doon ko inilagay ang bag ko. Hindi ko pwedeng ipakita kay Mommy ang bag ko mamaya kapag pumasok ako dahil siguradong kukunin niya iyon.

"Success ang plano yes!" pagkatapos muli akong pumasok sa loob ng bahay at bumalik sa silid ko upang matulog may oras pa akong itutulog.

EKSAKTONG ala-singko ng umaga ako nagising at pilit na pilit pa iyon. Ang hirap kasi talagang bumangon sa umaga. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko habang pababa ako ng hagdan.

"Goodming Daddy!" bungad na bati ko sa kaniya. Maagang nagigising si Mommy at Daddy dahil ayaw nilang inaabutan ng sikat ng araw sa bahay sa tuwing may pasok sila. Ang weird nila kasi kung tutuusin hawak nila ang Oras nila. Kami lang naman ang may ari ng Weibford university. Noon school for the boys lang ang school na iyon. Pero noong ibigay ni Lolo ang school na iyon kay Daddy. Inupgrade ni Daddy ang school. Open na siya para sa lahat. Boys, girls, bakla, baboy este tomboy, kaya naman hindi ko na kailangang maghanap ng ibang school na papasukan dahil hawak kamay ko lang ang school na malaya akong makakapasok.

"Goodmorning Ella. Kumain ka na para makapaghanda ka sa pagpasok." Sagot ni Daddy. Hindi man lang niya ako tiningnan seryo siyang nakatingin sa binabasa niyang diyaryo. Habang nasa harapan niya ang kape.

"Wow! Ang sarap ng breakfast natin. Ham, Egg, Liempo  hotdog with Fried rice. And bread. Full breakfast talaga tayo!" Feeling ko hugis puso ang tingin ko sa mga pagkain. Hinawakan ko pa ang Tiyan ko. "May laban tayo ngayon." Kukuha pa lang ako ng pagkain. Hinarang na agad ako ni Mommy.

"Hep! Hep! Bawal sayo yan! Magdiet ka." Sagot ni Mommy.

Pilit kong inaagaw kay Mommy ang pagkain. "Mommy! Maawa na kayo sa'kin." Sabi ko pa.

"Yaya Tilda! Pakikuha nga ng ibang pagkaing nasa lamesa at ibigay mo kay Ella ang almusal niya."

"Opo Ma'am." Sagot ni Yaya.

"Daddy! Sabihan mo si Mommy na nagugutom na ako." Umiyak-iyak pa ako.

"Ella Marie, Magdiet ka nga. Obis ka na. Kasing laki mo na ang kalabaw." Sagot ni Daddy na saglit lang tumingin sa'kin.

Ganito ako sa bahay walang kakampi pagdating sa pagkain. Kasalan ko ba? Mahal na mahal ako ng pagkain.

"Daddy naman!" humahaba pa ang nguso ko.

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Where stories live. Discover now