Chapter 5

38.1K 1.3K 51
                                    

Shawn skyler P.O.V

HINDI maipinta ang mukha ko habang kaharap ko si Hairu at John Patrick. Nasa loob kami ng silid ko. Katatapos lang naming maglaro ng  online games. Habang hindi maipinta ang mukha ko dahil sa pambu-bully nila sa'kin. Na-i-kwento ko kasi sa kanila ang nangyari noong isang linggo sa'min ni Piggybank na si Ella Marie,

"Will you please stop! Masyado na kayong nakakapikon!" utos ko sa kanila. Pero sa halip na pakinggan nila ako. Hawak-hawak nila ang tiyan nila sa kakatawa. Sa inis ko dinampot ko ang dalawang una at ibinato ko sa kanila.

"I'm not kidding!" matalim ko pa silang tinitigan.

Huminto naman sila sa pagtawa ngunit bakas sa mukha nila ang pinipigil na tawa. "So, Kamusta pala kayo ni Ella Marie?" tanong ni John Patrick.

Sinalubong ko nang nagbabagang tingin si J.P si John Patrick kasi ang pinakabully sa'ming tatlo. Hindi ka niya titigilan hangga't hindi ka niya nakikitang napipikon.

"Bakit mo kami kakamustahin close ba kami?" inis kong sagot sa kaniya.

"Akala ko kasi close na kayo dahil partner kayong dalawa." Sabi niya habang ngumunguya siya.

"Hindi kami Close ni Piggybank. Kinakausap ko lang siya dahil partner kami sa isang subject." Inis kong sagot. Alam na alam ko na kasi ang gusto niyang ipahiwatig sa'kin.

"Sabagay, hindi siya katulad ni Mhaika na sobrang sexy at maganda." Sagot ni JP.

Napakuyom ang kamao ko dahil sa narinig kong pangalan. Tatayo na sana ako kung hindi biglang nagsalita si Hairu na kapatid ni Ate Heira.

"Pekto, itigil mo na nga ang pambu-bully kay Shawn, sasapakin ka na niya." Sabad ni Hairu na kampanteng nakaupo habang kumakain siya ng sandwich.

Hindi ko napigilang ngumiti dahil sa sinabi ni Hairu. Tinawag kasi niyang Pekto si JP. Kapag ganoon kasi ang tawag ni Hairu. Nagbabago ang mood ni JP. Paano ba naman kasi tinawag siyang Pekto ni Hairu. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Pekto dahil tunog panget daw.

"Isang tawag mo pa sa'kin na Pekto! Sasapakin na kitang Duke ka!" pagbabanta ni JP kay Hairu.

Nakangising tumingin si Hairu sa kaniya. "Why? Maganda naman ang name na Pekto? Isa pa palayaw iyan ng Daddy mo. Bakit kinakahiya mo ang name na iyon e, carbon copy ka naman ng Daddy mo."

"Iyon na nga! Ayokong marinig pangalan niya!" singhal ni JP kay Hairu.

"Woah! Relax lang dude. Baka atakihin ka sa puso niyan. Ikaw din walang magdodonate sa'yo ng Heart. Alam mo uso ang heartbreak ngayon." sagot ni Hairu pagkatpos pilyong ngumiti siya sa'kin.

"Ako ba pinatatamaan niya?"

"Kumain na nga lang kayo ng meryend para maipagpatuloy natin ang nilalato natin. Kesa magkapikunan pa tayong tatlo." Sabad ko.

Hindi kumibo ang dalawa, tahimik silang kumakain nagkaroon tuloy ng katahimikan sa pagitan naming tatlo. Kapag kasi si JP ang nanahimik daig mo pa ang namatayan sa sobrang lungkot ng paligid. Siya lang kasi sa'ming tatlo ang makulit at madaldal na kahit kwentong barbero na lang ang sinasabi niya makikinig at matatawa ka pa rin sa kaniya. Wag lang mapag-uusapan ang Daddy niya nagbabago ang mode niya. Tatlong taon lang kasi si JP ng mamatay ang Daddy niya. Ang masaklap pa no'n namatay ang Daddy niya sa piling ng Kabet nito. Inatake ito sa puso habang nasa bahay ito ng kabet niya. Noon lang nila nalamang may ibinabahay pala ang Daddy niya na babae. Kaya naman imbes na magluksa sila noon sa pagkawala ng Daddy niya. Galit ang namayani sa kanila.

"Shawn, sagutin mo ang tumatawag sa'yo." Narinig kong sabi ni Hairu sa'kin.

"Ha?" Sinilip ko ang cellphone kong kanina tunog nang tunog. Agad ko iyon dinampot at binasa ang tumatawag sa'kin. At pangalan ni Sir, Weibford ang tumawag kaya naman agad ko iyong sinagot.

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Where stories live. Discover now