Chapter 7

38.7K 1.3K 94
                                    

Ella Marie’s P.O.V.

“Yaya! Nasaan po ang baon kong pagkain?” tanong ko kay Yaya. Habang nasa kusina siya. Maagang umalis sila Mommy kaya wala akong kasabay sa pagkain. Hindi naman kasi sumasabay sa’min ang mga katulong namin kahit gustuhin namin. Hindi daw kasi sila mabubusog kapag kami ang kasabay nilang kumain iyon ang sabi ni Yaya.

“Nandiyan Senyorita sa gilid ng lamesa yung may kulay pink na baunan.” Paglalarawan ni Yaya sa baunan ko.

Nilapitan ko iyon upang tingnan ang laman ng baon ko. Pagbukas ko ng baunan ko, nadismaya ako sa nakita ko isang Sandwich at isang pirasong saging. “Yaya! Ito lang po ba ang pagkain ko?” tanong ko sa kaniya.

Lumapit sa’kin si Yaya. “Oo senyorita. Sabi ni Ma’am ‘yan lang daw ang kainin niyo.”

Sumimangot ako. “Wala talaga kayong awa sa’kin. Pinagkakaisahan niyo ako.” Pagda-drama ko pa. Pero kahit anong gawin kong drama kay Yaya hindi ito umipekto.

“Wala po akong magagawa senyorita ‘yan po ang utos sa’kin ng Mommy niyo. Ayoko po namang mawalan ng trabaho.” Sagot pa niya.

Wala akong nagawa kung hindi ang kunin ang pagkain na pinabaon sa’kin. Wala naman akong choice eh, dahil kahit umiyak pa ako ng dugo hindi madagdagan ang baon ko, kinuha ko iyo at itinago sa loob ng bago ko. Sayang din naman kesa walang baon. “A-alis na po ako Yaya!” sabi ko sa kaniya bago ako lumabas ng mansion at sumakay sa kotse. Nasa tamang edad na ako para magdrive ng kotse pero hindi ako pinapayagan magdrive ng kotse  dahil walang tiwala sa’kin si Mommy at Daddy. Kaya naman sa tuwing papasok ako palagi akong hinahatid ng driver ko gayon din sa pag-uwi.

PAGDATING ko sa school agad kong hinanap ang mga kaibigan kong si Annaliza at Loren. Hindi ko na pinansin ang mga estudyanteng nakatingin sa’kin. Alam ko namang kapag nakatalikod ako pagtatawanan nila ako. Gano'n naman talaga ang mga iyon patalikod silang tumira sa’kin.

“Nasaan kaya ang dalawang piggy na iyon?” sabi ko habang palingon-lingon ako. Baka kasi nandoon lang sila at nagatatago sa’kin. Dahil abala ang mga mata ko. Hindi ko napansin ang mta taong nakabungguan ko.

“F*ck!” narinig kong sabi ng taong nakabungguan ko. Nang lingunin ko ang taong iyon. Sumimangot ako at matalim ko itong tinitigan. Sa dinami-dami ba namang makakabangga ko si Mhaika pa ang sikat na sikat na babaing higad slash Ahas sa school namin. Alam niyo kung bakit? Siya lang naman ang nang-agaw sa mga crush ko na sina Andrei Sebastion Tee at si Shawn Skyler Santiago at sa ibang mga gwapo sa school. Nakakasira tuloy ng araw.

“Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo baboy ka!” sigaw niya sa’kin ng tumayo siya.

Nagcross-arm ako habang pailalim ko siyang tinitigan. “Pasalamat ka pa nga dahil hindi kita nakita habang naglalakad ako. Dahil kung nakita kita kanina baka dinaganan pa kita ng Bilbil ko!”

Nameywang siya sa’kin. Tapos dinuro niya ako. “Inggit ka lang dahil sexy ako at maganda. Di ba? Guys!” tanong pa niya sa mga tsismosang mga estudyante.

Tumawa ako ng malakas na mas lalong kinainis niya. “Ambisyosa! Hindi ako maiinggit sa katawan mong pang perya! At mukhang mong pang Manila zoo!” gigil kong sigaw.

Humalakhak ang mga esudyanteng nakarinig sa sinabi ko. Mas lalo tuloy nanggilgil sa galit si Mhaika sa’kin. Ang mga titig niya sa’kin halos gusto na akong patayin. Pero syempre hindi ako magpapatalo! Hindi ibig sabihin na mataba ako pwede na niya akong bulihin at insultuhin. Hindi ako papayag na apihin ng kahit sino never!

“May araw ka din sa’king baboy ka!” sabay pihit niya patalikod.

“Sige umasa ka! Walang forever ipakta ka!” habol kong sigaw sa kaniya. Matalim ko namang tinitigan ang mga estudyanteng mga tsismosa na kanina pa nakikiusyoso sa pag-aaway namin ni Mhaika. “Oh? Tapos na ang palabas! Ano pa ang tinatanga niyo diyan?” pagtataray ko sa kanila. Isa-isa silang nagsi-alasan. Ako naman ay nagtungo na sa classroom namin.

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon