Chapter 14

36.7K 1.2K 115
                                    

Ella Marie's P.O.V.


"ELLA, ayos ka lang ba?" tanong sa'kin ni Andrei habang nasa loob kami ng isang restaurant.

Pinahid ko ng panyo ang basang mukha ko dahil sa mga luha kong kanina pa walang tigil sa pagpatak. Tumango ako sa kaniya. "I'm okay, thank you."

Nakatingin siya sa'kin. "Si Santiago ba ang dahilan ng pagpatak ng mga luha mo?"

"Masyado lang akong nasaktan sa pagiging paasa ko sa sarili ko." Sabi sa kabila ng paghikbi ko.

Naramdaman ko ang paghawak ni Andrei sa kamay ko. Tumingala ako upang tingnan siya, seryosong mukha ang nakita ko sa kaniya. "Payag akong maging Rebound boy, hanggang sa maramdaman mo na ako ang karadapat diyan sa puso mo."


"Andrei... hindi naman tama ang naiisip mo? Ayokong masaktan ka."

Namula ang mukha ko ng bigla niyang pinahid ang luha ko gamit ang daliri niya, huminga siya ng malalim at tinitigan niya ako. "Pag-isipan mo ang offer ko sa'yo."

Yumuko ako upang itago ang pamumula ny mukha ko, bakit ba sa dinami-dami ng lalakeng mag-o-offer sa'kin ng gano'n si Andrei pa. Ayoko siyang masaktan.

"Ihahatid na kita sa inyo." Tipid pa siyang ngumiti sa'kin.

Tumango ako at tumayo na. Hindi na ako nakatanggi ng hawakan niya ang kamay ko habang magkasabay kaming naglalakad patungo sa car park area.

"Ella?"

Pandaliang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko ng pagbaba ko ng kotse ni Andrei, nakita ko si Shawn na nakasandal sa kotse niya habang nasa tapat ng bahay namin. Huli na para alisin ko ang kamay kong hawak-hawak ni Anderei. Binaling ko ang tingin kay Andrei. "Thank you, Andrei."

"Sigurado kang okay ka lang?" sinipat pa niya ng tingin si Shawn.

Tumango ako sa kaniya. "Oo, salamat."

Ngumiti sa'kin si Andrei, tapos laking gulat ko ng bigla niya akong halikan sa pisngi, bago pa ako makapag-reak sa ginawa niya, napansin ko na lang na nakalupagi niya sa semento.

"F*ckin Assh*le!" galit na galit ma sigaw ni Shawn.

Mabilis namang tumayo si Andrei at sinuntok si Shawn. Nangpambuno na silang dalawa.

"Tumigil nga kayoo!! Ano ba! Tumigil kayo!" sigaw ko.

Ngunit para lang akong nakikiusap sa hangin, kaya naman ng makita kong bumagsak si Andrei, mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ella Marie.." sambit ni Andrei.

"What the hell are you doing Ella? Bitawan mo siya!!" pasigaw na sabi ni Shawn.

Matalim na titig ang pinukol ko kay Shawn. "Bakit ba kasi nandito ka! Umalis ka na!!" sigaw ko.

Sinalubong ko ang mga titig niya. Kitang-kita ko ang pagtangis ng bagang niya sa galit. "I'm your Boyfriend." Mariin niyang sabi sa'kin.

"Pero hindi na ngayon, umalis ka na!"

Nanatili siyang nakatitig sa'kin. "Susunduin kita bukas." Huling sinabi niya bago siya sumakay ng kotse at mabilis na pinaharurut.

Inalalayan ko si Andrei sa pagtayo at pinilit kong baliwalain ang sinabi ni Shawn, dumudugo ang bibig niya at may galos ang mukha ni Andrei. "Gagamutin ko ang mukha mo, Let's go inside."

"Wag na Ella, sapat na sa'kin na mas pinili mo ako kanina kaysa kay Shawn. Thank you!" pilit pa siyang ngumiti sa kabila ng sugat niya sa labi.

Bumuntong-hininga ako. "Sigurado ka ba?"

Pilit siyang ngumiti sa kabila ng sugat niya sa labi. "See you tommorow." Ipinatong niya ang kamay niya at ginulo pa niya ang buhok bago siya sumakay ng kotse. Tinanaw ko na lang siya hanggang sa hindi ko na matanaw ang kotse niya.

Gulong-gulo ang isip ko ng pumasok ako ng bahay namin. Mabuti na lang at wala pa sila Mommy at Daddy hindi nila nakita ang nangyari kaninang gulo. Hindi ako dalawin ng antok ng sumapit ang gabi, pabaling-baling ako sa kama ko habang patuloy na bumabalik sa isip ko ang eksenang nakita at narinig ko.

"Kailangan ko na talaga sigurong magising sa katotohan na hindi isang fairy tale ang love story na gusto ko." Sabi ko sa isip.

Kinabukasan.

Halos hindi ako magkanda-ugaga sa pagbitbit ng mga susuotin kong gown mamaya, nakalimutan ko kasi na ngayon pala ang araw ng pictorial namin, kaya naman hindi ako nakahingi ng tulong kay Mommy. Hirap na hirap ako sa mga daladala kong gamit.

"Tulungan na kita." Biglang may humila ng bag at gown na bitbit ko.

"Andrei? Bakit nandito ka?" sabi ko sa kaniya.

He shook his head. " Hinihintay kita, di ba? Sabi ko sayo hihintayin kita ngayon?"

"Oo, pero— di ba dapat yung partner mo ang sinusuportahan mo?"  tanong ko sa kaniya, si Andrei kasi ang escort ng candidate ng course nila.


"Yeah, pero marami ng tumutulong sa kaniya. Ikaw, mukhang mag-isa lang."

"Nawala kasi sa isip ko na ngayon pala gaganapin ang pictorial. Hindi ko tuloy nasabi kay Mommy at sa mga kaibigan ko agad, pero darating na sila Loren, may makakatulong na ako."

"Okay, habang wala sila ako muna ang tutulong sa'yo. Tara na!" hinawakan pa niya ang kamay ko papunta sa lugar na kung saan gaganapin ang pictorial.


Nakataas ang kilay ko ng pumasok kami sa loob ng silid kung saan gaganapin ang Pictorial. Kitang-kita ko si Shawn na kasama si Mhaika habang magkahawak kamay silang dalawa.  Sinusuportahan nila ang candidate nila Mhaika.

"Mabuti naman at nandito na kayo. Umpisahan niyo ng magbihis at mag-ayos upang makuhan na kayo ng litrato, pati ang mga escort niyo magbihis na rin, go!" sabi ng baklang nag-a-assist sa'min.


Kanya-kanya kaming palit ng damit, lumipat na rin si Andrei sa pwesto ng partner niya kaya ako na lang ang mag-isa.  paglabas ko ng dressing room napansin kong nawawala ang lahat ng dala kong gamit, hinanap ko iyon pero hindi ko nakita,

Lumapit ako sa kinaroonan niAndrei upang tanungun, hindi ko na lang pinansin ang pagtaas ng kilay ng partner niyang mukhang binababad sa Arina. "Andrei, nakita mo ba ang mga gamit kong dala?" tanong ko sa kanya.

"Hindi, Nawawala ba?" tanong niya sa'kin.

Tumango ako. "Nagpalit lang ako ng damit, paglabas ko wala na siya."

"Tulungan na kitang maghanap."

Umiling ako, "Wag na ako na lang ang maghahanap." Sabi ko sa kaniya. Napansin ko kasing masama ang tingin sa'kin ng Partner ni Andrei.

"Sure ka?"

Pilit akong ngumiti. "Yeah, thank you." Sabay talikod ko palayo sa kanya.


"Nasaan na kayo iyon?"sabi ko sa isip.

"Babe..."

Napahinto ako at Slow motion kong inangat ang mukha ko upang tingnan si Shawn, napansin ko agad sa kanya ang mga gamit ko.

"Bakit nasa sa'yo 'yan? Kanina ko pa 'yan hinahanap!" inis kong tanong sa kaniya.

"Kinuha ko doon sa babaing nagtangkang itapon sa basurahan."

"Sa basurahan?" Nakataas pa ang kilay kong sabi.

Tumango siya, "Bakit kasi wala kang kasama? Tingnan mo nga ang mga gamit mo pinagtri-tripan na."

I rolled my eyes, sabay hablot ko sa gamit ko sa kaniya. "Wala kang pakialam! Hindi tayo close!" sabay talikod ko sa kaniya.

Humahaba ang nguso kong bumalik sa pwesto ko. Ilang saglit pa dumating ang dalawang kaibigan ko para tumulong sakin na mag-make up, hindi ko pinapansin si Shawn kahit na nga nahuhuli ko siyang tumitingin sa'kin, hindi ko makakalimutan ang sinabi niya noong narinig ko silang nag-uusap.

Ilang beses kaming kinuhanan ng larawan sa long dress, sa suot naming damit na pang Sport, halos manakit na ang paa ko dahil sa suot kong sandals na may Five inches ang taas.

"Perfect!" ilang beses na sabi ng photographer sa'min.

"Hays! Sana tapos na." sabi ko.

"Let's take a break guys. Dahil ang last Pictorial natin ay kasama na ang partner niyo. Go! Kumain muna kayo!" pumapalakpak pang sabi ng bakla.

Gusto kong magreklamo sa huling sinabi ng bakla, wala naman kasi akong partner. Nasa kabilang kampo. Bagsak ang balikat kong bumalik sa pwesto namin kung saan naroon ang dalawa kong kaibigan. Binigyan ako agad ni Loren ng pagkain.

"Piggy besh, sa wakas ang pinakahihintay ko. Ang pictorial ng magpa-partner, hindi pwedeng wala akong copy ng picture niyo Piggy besh." Kilig na kilig na sabi ni Annaliza.

Huminto ako sa pagkagat ng mansanas at tumingin kay Annaliza. "Wala akong partner Piggy besh." Sabi ko sa kanya. Pagkatapos pinagpatuloy ko ang pagkain ng mansanas.

"Anong wala? Ayon si Shawn sa kabila." Turo ni Annaliza.

"Siya na ang bagong partner no'n." sagot ko pa.

Nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan. Tapos binaling sa'kin ang tingin. "May Love Quarrel kayo?"

Automatikong tumaas ang kilay ko. "Love Quarrel? Pwede ba? Walang kayo? Wala ring Love? QUARREL lang!" mariin kong sabi sa kanya.

"Piggy besh, may L.Q nga sila ni Shawn." Ani Annaliza kay Loren.

"Anong pinag-awayan niyong dalawa?" tanong ni Loren sa'kin.

Hindi ko siya sinagot, pinagpatuloy ko ang pagkain ng mansanas. Hindi ko na sila kinausap pa, hanggang sa muling tumawag ang Baklang nag-a-assist sa'min. Lumapit akong mag-isa.

"Miss Weibford, nasaan ang partner mo?" Nakataas pa ang kilay niyang tanong sa'kin.

"Wala po akong partner."

"Anong wala!" tiningnan pa niya sa listahan niya. "Si Shawn Skyler Santiago ang Partner mo rito. Nasaan na siya?" nakapameywang pa niyang sabi.

"Sorry I'm late, nagpalit pa ako ng damit." Narinig kong sabat ni Shawn.


Tumaas ang kilay ko ng magtama ang mata naming dalawa.

"Oh, nandito na pala ang gwapo mo'ng partner. Tapusin na natin ang pictorial na ito."

Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Gusto kong magreklamo dahil ayokong maging parner si Shawn. Galit ang nararamdaman ko sa kanya. At sa tuwing dumadampi ang balat niya sa'kin, hindi kilig ang nararamdaman ko kung hindi inis hanggang sa matapos ang pictorial.

"Let's go mga Piggy besh!" sabi ko sa dalawa kong kaibigan. Nagmadali akong bitbitin ang mga gamit ko at nauna akong maglakad palayo sa kanila.

"Teka lang Piggy besh! Hintayin mo naman kami." Ani Loren sa'kin.

Huminto ako sa paglalakad sa pag-aakalang sila ang sumunod sa'kin, ngunit nagkamali ako dahil nagulat na lang ako nang bigla akong hilahin ni Shawn.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" pasigaw ko sa kaniya. Habang pilit kong hinihila ang kamay ko sa kaniya.

"We need to talk." Kampante niyang  sagot na hindi man lang akong tinapunan ng tingin.

"Wala na tayong dapat pag-usapan. Bitawan mo ang kamay koo! Ano ba!" nagpupumiglas ako sa kaniya."

Huminto siya at humarap sa'kin. Matalim ang tingin niya sa'kin ng magtama ang paningin naming dalawa. "Sumama ka sa'kin ng maayos, please! Babe, wag mo na akong pahirapan. Okay!"

"Stop calling me, Babe." Nakipagtitigan pa ako sa kanya.

"No way! Sasama ka sa'kin sa ayaw at gusto mo Babe, kahit ayaw mo Babe pa rin ang itatawag ko sa'yo, Babe."

Kung noon halos kiligin ako kapag tinatawag niya akong Babe, ngayon hindi na. Nakakaramdam ako ng galit. Paulit-ulit na nagflash back sa'kin ang sinabi niya. "Bitawan mo ako! Dahil ayokong magkaroon ng kahit anong koneksiyon mula sa'yo!" mariin kong sabi sa kanya.


Umalon-alon ang adams apple niya  habang nakakatitig sa'kin. "I'm your Boyfriend." Mahina ngunit mariin niyang sabi sa'kin.

"Hindi kita Boyfriend! Kaya tigilan mo na ako." Buong pwersa kong hinila ang kamay ko, pagkatapos nagmadali akong naglakad palayo sa kanya.

Napatili ako nang biglang may humila sa'kin. Napasubsob ako sa dibdib ni Shawn. Pagkatapos bigla niya akong binuhat na parang isang sakong bigas. Namilog ang mga mata ko sa pagkabigla, hindi kasi ako makapaniwalang kaya niya akong kargahin.

"Bitawan mo ako baka mahulog ako!" sabi ko sa kanya.

"Hindi kita hahayaang mahulog. Katawan ko ang unang babagsak sa lupa bago ang katawan mo. Gusto lang kitang makausap ng maayos, please! Makisama ka naman."

Tumahimik ako, bukod sa pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Natatakot din akong magpumiglas dahil baka talaga mahulog ako. Ang bigat ko naman kasi talaga. Sumakay kami ng kotse niya, nakasimangot ako habang pinapaandar niya ang kotse.

"Kumain muna tayo bago tayo mag-usap." He said.

Hindi ako kumibo. Umiiwas ako ng tingin ko sa kaniya.

"Babe..."

Pinikit ko ang mga mata ko, upang magkunwaring tulog. Naramdaman ko ang pagbuntong-hininga niya.

"I love you Babe." He whisper.

Napakagat labi ako, parang gustong maniwala ng puso kong totoo ang sinabi niya, sana hindi ko na narinig ang sinabi niya para hanggang ngayon paniwalang-paniwala ako sa sinasabi niya.

"Hindi ko talaga alam kung ano ang dahilan ng kinagagalit mo? Noong nakita mo kami ni Mhaika. Nag-uusap lang kaming dalawa noon, wag kang magselos."

"Liar!" Minulat ko ang mata ko at matalim na tumingin sa kanya. "Liar! Alam ko kung anong meron sa inyong dalawa ni Mhaika! Magsama kayo, pareho kayo ng pag-uugali!"

"Pero wala kaming relasyon."

"Wala akong pakialam! Ihatid mo na ako sa bahay, dahil kung hindi bubuksan ko ang pintuan ng kotse at tatalon ako kapag hindi mo ako hinatid."

Humugot siya ng malalim na paghinga. "Okay!" sabi niya, pagkatapos mabilis niyang pinaharurut ang kotse niya. Hindi na ako nakipag-usap sa kaniya, nanatili akong nagtulog-tulugan. Mula ngayon hindi na ako maniniwala sa kanya. Never!



MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon