Kapag sinabi mo

317 1 0
                                    

Kapag sinabi mong kumain ako ng tutong
Habang nagpaplantsa at naglilinis ng bubong
Giliw, baka naman ako ay mahirapan
Pero gagawin ko pa rin nang walang anumang paglaban.

Kapag sinabi mong tumalon ako sa gusali
Magpapatihulog nang walang pasubali
Babagsak sa sahig ang aking katawan
Sasabog ang dugong dinadaluyan ng iyong pangalan.

Kapag sinabi mong lumayo ako sa'yo
Tutunguhin ko agad ang kabilang panig ng mundo
Hindi ako aalis, mananatili ako doon
Kapag kailangan mo pa ng mas mahaba pang panahon.

Alam mo namang gagawin ko ang lahat
Pag-utos mo lamang naman talaga ang katapat
Maniniwalang mahal mo din naman ako
Lalung-lalo na... kapag sinabi mo.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now