Sapat na

300 1 0
                                    

Sa isang pagbaling ng iyong paningin

Lahat ng dahila'y tinangay ng hangin

Walang naisumbat, walang naisambit

Ang impyerno kanina, biglang naging langit

Gusto kong magalit na walang pagngawit

Gusto kang sigawan sa iyong pagsapit

Lahat ng kakulangan mo kaya kong ibuga

Pero nang tumingin ka na sa akin... Sapat na.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon