Mababaw lang ako

285 2 0
                                    

Humakbang ka sa aking tubig
Tsinelas mo lang ang mababasa
Mababaw lang ako
Sa kaunting araw ay mawawala

Madali lang akong maluha
Anupa't ang mapatawa
Madali ring mapaligaya
Ang sulyap mo'y mundo ko na.

Huwag kang masyadong mag-isip
Huwag kang masyadong magtaka
Nasa kalawakan na ang iyong diwa
Sa tingin mo ba abot kita?

Kaunting kalmot sa aking balat
Ay latay sa aking damdamin
Mababaw lang ako
'Di ko abot ang iyong lalim.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now