Pangungusap

323 2 0
                                    

Kung paanong lahat ng mga malalambing na patinig at katinig
Ay damang-dama kong yumakap sa aking balat
Gayun din nang ako'y itinaboy ng iyong nanginginig na tinig
Nang sinabi mong kalimutan na lang natin ang lahat

Kung paanong ang daluyong natin ng mga kudlit
Ay mabilis na inanod tayo sa may tuktok
Gayun din nang tayo'y gumulong pababa at nasugatan
Gamit ang napakariin mong pagtuldok

Hindi mo maiiwasang lumayo
Kung paanong hindi ko rin naiwasang lumapit
Hindi natin maiiwasang lumipas
Kung paanong hindi natin naiwasang sumapit
Hindi maiiwasang maiyak
Kung paanong hindi natin naiwasang magngitian
Hindi maiiwasang ikubli na lang ang mga taludtod ng pagsinta
At hindi na lang tayo magpansinan

"Kalimutan na lang natin ang lahat."
Anim na salitang binura ang daan-daang mga pangarap
Handa sana akong magsulat ng isang napakahabang nobela
Hindi ka man lang nagiwan ng isang kumpletong pangungusap.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now