Hindi ka isang panaginip

270 2 0
                                    

Ilang kusot na ang ginawa sa mata
Bagama't malabo kitang-kita kita

Ilang dutdot na ang ginawa sa tainga
Tikom ang iyong bibig pero naririnig ka

'Ni wala ka sa hinuha ng manhid kong mga pandama.

At ilang sampal man ang gawin ko sa aking mukha
Para maputanayang hindi talaga nangyayari ang lahat nang ito.

Hindi ka isang panaginip. Gising na gising ako.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now