That man. He said Maria. The young lady from my dream was Maria. What does that mean? Bakit napanaginipan ko 'yon? Hinaplos ko ang suot na kwintas dahil doon. Ano ang gusto mong sabihin saakin, Maria?

Sino ba talaga ang pumatay saiyo?

Si Señora Felicidad ba? Si Señora Elvira? O baka naman si Ibarra? Parang sasabog ang utak ko sa sobrang pag-iisip. Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung alin ba talaga ang totoo sa mali. Kung sino ba talaga ang inosente sa hindi. I didn't know that it would be this fucking hard.

Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang marahas na pagbukas nito. Laking gulat ko nang makita si Señora Felicidad na ngayon ay namumula at napupuyos sa galit. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi kaya ay nalaman niya ang nangyari kagabi? Kinabahan ako sa naisip at napailing sa sarili. Hindi. Hindi pwede.

Hindi niya maaring malaman.

Bubuksan ko na sana ang bibig upang batiin ang Señora, ngunit nagulat ako nang isampal nito saakin ang isang dyaryo. Napayuko ako at kasabay no'n ang pagkuyom ng mga kamao ko sa galit. Ano na naman ba ang gusto niya? I thought it was the end of it, but she threw a red notebook on my face. Nanlamig ang buong mukha ko nang makita ang notebook.

"Isang dyaryo na tumutuligsa sa ating gobernadorcillo!" mariin ko naipikit ang mata sa sigaw niya, "At ano ito, Eloise? Isang cuaderno na nagpupunto sa gobernadorcillo sa kamatayan ni Maria Alejandra?"

Nagulat ako nang dakmain nito ang aking panga. Ang mga mata ng Señora ay namumula sa sobrang galit. Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng dibdib ko, pinupuno nito ang aking tenga. I've never seen the Señora this mad, that her orbs delates in anger.

"Tama nga si Elvira sa kanyang sinabi. Maganda, ngunit may itinatagong kapahamakan... Hindi na dapat ako nagpalinlang muli," niluwagan nito ang hawak sa aking panga.

"Ngayon sagutin mo ako, Eloise. Bakit kilala mo si Maria? Bakit na saiyo ang kwintas niya?" nanunuri ang kanyang mga mata, "Sino ka ba talaga?" tumaas ang aking balahibo sa nakakakilabot na boses ng Señora. Her index finger grazed its way to my jaw, watching me with hawk-like eyes.

"Sino ka ba talaga?" I repeated her question, "Ah... ako na lamang ang sasagot. Ikaw si Señora Felicidad, isang mamamatay tao."

Akmang sasampalin ako nito, ngunit mabilis kong nasalag ang kamay niya. If she think that I would be afraid of her, then she have to think twice. Sinalubong ko ang galit nitong mga mata. Sinubukan bawiin ng Señora ang kanyang kamay, ngunit hinigpitan ko ang hawak rito. The two of us stared at each other, it felt like forever.

Kung palalayasin niya ako rito, hindi ako matatakot. Sa halip ay matutuwa pa ako. Wala itong pinagka-iba sa impyerno! I would rather starve in the pavements than live in this hellhole!

"Paano mo nagagawa 'yon, Señora? Ang saktan at patayin ang mga kapwa mo babae..." I made sure that she can feel the dismay in my voice. The disgust in my voice. Gusto kong malaman niya na nakakadiri siya. Nakakadiri ang kahayupan niya.

"At paano mo nagagawang harapin ang taong pumatay sa asawa mo?"

Nakita ko ang gulat na dumaan sa mukha niya. Napangisi ako sa isipan.

"Madali lamang, hija. Hindi naman mahirap na tingnan ang salamin araw-araw..." natigilan ako dahil sa narinig. Nakita iyon ng Señora at napangisi siya. "Tama ka. Marahil ay matatawag nga akong isang mamamatay tao dahil ako ang pumatay kay Leonardo. Ako ang pumatay sa aking asawa."

W-what? Si Señora Felicidad?

Sinamantala ng Señora ang gulat at panghihina ko at binawi niya saakin ang kamay niya. I looked at her in dismay. Hindi ko maintindihan. Siya ang pumatay sa asawa niya. Ngunit ang sabi nila ay si Ibarra! Sabagay... sino ba ang mag-iisip na kaya niyang patayin ang sarili niyang asawa?

San CarlosNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ