03

49K 1.9K 872
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Demrene's Point Of View

"Hoy babae!" Pinitik ni Maddy ang ilong ko.

Agad ko namang hinampas ang kamay nya. "Ano ba kasi?" Inis kong tanong.

"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" Inis nya ding tanong. Napapikit ako at napangalumbaba habang pinapaikot ikot ang straw sa juice na iniinom ko.

"Ano bang sinasabi mo?" Bored kong tanong.

"Ang sabi ko kailangan natin mag-aral this week, semi-finals na natin wala pa tayong natututunan, baka bumalik na naman tayo sa Practical Reasearch 1, ang hirap kaya non." Mahabang sermon nya pero wala pa rin akong iniimik tungkol don.

Sa pgkakataong 'to, hinampas na naman ng malditang 'to ang braso ko, muntik na tuloy sumubsob yung baba ko sa lamesa. "Ano ba kasing problema mong babaita ka? Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo? Uminom ka ba ng gamot?" Asik ni Maddy nang mapansin nyang hindi ako magaslaw ngayong araw.

Tumikhim ako at umayos ng upo. Inis kong hinampas ng marahan ang table, nasa café teria kasi kami ng school ngayon kaya baka may makarinig kapag nilakasan ko. "Eh kasi naman! Si Eris!"

"Ah, si Eris naman pala. Sino pa nga ba? Ang tanga ko talaga." Napapatango tangong sabi ni Maddy.

"Hoy Maddy, tapatin mo nga ako! Ano bang wala sakin na meron kay Xyzhie? Yung totoo ha!" Galit kong tanong kay Maddy. Naiinis lang kasi ako kung bakit lahat na ata ng lalaki dito sa campus, crush si Xyzhie, malaki lang naman ang ano nya kaya ganon.

"Ah...eh? Dem, seryoso ba 'to?" Nag-aalinlangan nyang tanong.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Mukha ba kong nagbibiro sa lagay na 'to Maddy? Mukha ba?"

"Hehe, hindi, pero Dem, masasaktan ka lang." Hinagod hagod nya ang likod ko pero inalis ko 'yon.

"Ano ba Maddy! Sabihin mo na kasi! Maganda din naman ako ah, mahaba din naman buhok ko, mapula din naman ang labi ko kahit wala akong lip tint o lipstick, hindi naman ako gaanong mataba, tsaka—tsaka, ayos naman yung height ko, teka, oo aminado akong mas malaki yung kanya pero Maddy, ano pa bang kulang sakin?!" Mahabang tanong ko sa kanya.

"Friend, alam mo kung anong kulang sayo?"

"Tanga ka din Maddy, magtatanong ba ko kung alam ko? Sagot na dali! Lintek, pinatatagal mo pa." Asik ko sa kanya.

"Ganito kasi, hindi naman sa ano Dem ha," Napakamot sya sa batok nya. "Wala naman kasi talagang kulang sayo eh... hindi ka lang talaga type ni Eris kaya wala syang pake sa nararamdaman mo." Nang marinig ko sa kanya 'yon, di ko napigilan ang sarili ko na hampas hampasin sya at kurut-kuritin. Ano ba namang bestfriend 'to? Walang kasupo-suporta sakin!

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon