Nagkatinginan ang mga kidnappers.

Pati ang dalawang hostage na sina Reymond at Rannieka ay napaisip kung sino ang nagsalita.

"Bobo ba kayo o boplaks?! Malamang dapat na i-blind fold niyo rin ako!" singhal ni Dahlia sa mga ito. And the moment that she was blindfolded she started to shed tears, What a usefeul blindfold., her last remarks saka nagpatuloy sa pag-iyak.

***

"SINO ka ba talaga?!"

"Tanga ka ba?! Bakit ko naman sasabihin sa iyo?!" 

Sinampal ng lalaking kalbo ang dalaga. Manlalaban sana ito pero agad niyang sinenyasan ang isang kasamahan na ngayon ay may nakatutok na baril sa ulo ng dalawang hostage nila, "Sige, manlaban ka at sabog ang utak ng dalawang iyan."

Sa isip ni Dahlia ay ilang ulit na niyang pinatay ang lalaking kalbo. Nakatali lang naman ang dalawa niyang kamay sa chain na bakal. She spit on his face, "Kalbo!" nagawa pa talaga niyang mang-asar sa kabila ng sinapit. Kahit anong klase pananakit sa kanya ay hindi siya nag-aalalang susuko agad ang kanyang katawan, bumabalik at bumabalik din kasi ang lakas niya, iyon nga lang ay binablack mail siya ng kalbong nasa harapan kaya hindi niya ito masaktan-saktan.

Sinampal ng lalaki ang dalaga sa kabilang pisngi saka sinuntok sa kabilang pisngi, "Kalbo pala ha?!" 

Hindi mapakali si Reymond sa ginagawang pananakit ng mga lalaki sa babae. Gusto niya itong tulungan pero hindi niya alam kung paano.

Iniluwa ni Jennica ang nasipsip na dugo mula sa kanyang pumutok na labi. Nginitian niya ang sumuntok sa kanya at sinabing, "Sige pa!" sinuntok nga siya nito sa tiyan na siyang dahilan upang mapasuka siya ng dugo. Kung sana lang kaya niyang lumaban. Kung sana lang hindi nanghihina ang loob niya ngayon eh di sana matagal nang nakahiga ang mga hinayupak na mga lalaking bumubugbog sa kanya.

Pero wala siyang lakas ng loob na lumaban habang nakikita ang pagyakap ni Reymond sa kanyang matalik na kabigan. Pinoprotektahan nito ang kanyang kaibigan at hindi siya . . . hindi siya.

Si Rannieka naman ay takang-taka nang makita si Jennica pero, sigurado siyang hindi ito si Jennica. Patay na ang kanyang matalik na kaibigan. Somehow, naikwento naman sa kanya ng mga Perez ang tungkol sa pagkakaroon ni Jennica ng kambal. Pero ang ipinagtataka niya ay kung paanong nandito ito, "Reymond mga kalaban sila ni papa."

Tumango lang ang binata sa sinabi ng kasintahan. Kanina pa niya gustong suntukin ang bumubugbog sa babaeng hindi niya kilala, pero nakakapit sa kanya si Rannieka at umiiyak. Hindi niya ito kayang iwan baka ito naman ang saktan ng mga lalaki. Ang nakakapagtaka nga lang ay hindi pa rin natutumba ang dalaga at parang hindi nababawasan ang lakas nito, "Lumaban ka!" tanging sigaw niya rito. Hindi niya rin maintindihan ang mga mata. Kung bakit patuloy ito sa pagluha gayong wala naman dapat siyang pakialam sa babae.

Nang marinig ni Dahlia ang sigaw ng binata ay ngumiti siya ng mapakla. Tama nga ito, kailangan niyang lumaban pero para kanino? Para sa sarili niya? Para kay Reymond? Para kay Rannieka?

"Sabi ni boss dalhin na raw ang dalawang iyan sa isang bodega." sabi ng lalaking kalbo sabay turo sa magkayakap at nakagapos na sina Reymond at Rannieka.

"Eh paano na itong si miss ganda?"

"Pagsawaan niyo. Bahala kayo." sagot ng kalbo.

Sa hindi malamang dahilan ay namutla si Reymond at bumitaw sa pagkakayakap kay Rannieka. Tumayo siya at kahit nakagapos ang kanyang mga kamay ay sumugod siya sa mga lalaking barumbado.

"Honey! No!"

"R-reymond . . . "

Pinagsisipa ni Reymond ang mga lalaki pero may humampas sa ulo iya. Hindi siya agad natumba at sinipa ang lalaking nanakit sa kanya. May humampas ulit sa kanya at hindi na nakayanan ng kanyang katawan.

Kitang-kita ni Dahlia ang pagluhod ni Reymond sa kanyang tapat kasabay ang pag-agos ng dugo nito sa mukha.

 "Dalhin na iyan." utos ulit ng kalbo.

Sumunod naman ang mga nasasakupan nito. Kinuha nila ang iyak ng iyak na si Rannieka at ang nahihimbing na si Reymond at inilabas  ang mga ito mula sa abandonadong building.

Sobrang nagdilim ang paningin ni Dahlia habang nakatingin sa apat na kalbong naiwan. Sinaktan ng mga ito ang kanyang mahal. Nanginginig siya at tila ba nag-iinit ang kanyang pakiramdam, parang pamilyar siya sa init na ito. Parang ito iyong init na bumalot sa kanya nang binulabog niya noon ang PS HQ.

Nakadaop ang palad ng mga lalaki at ngumisi ng napakademonyo, tiningnan nila ang dalaga na para bang isang ulam sa piyesta.

"Kung mahal niyo ang buhay niyo, lalayuan niyo ako." malamig na saad ni Dahlia habang nakayuko.

Patuloy pa rin sa paglapit ang mga lalaki na mukhang sabik na sabik.

Unti-unting itinaas ni Dahlia ang kanyang dalawang kamay na ngayon ay hindi na nakatali, "Binalaan ko na kayo."

***

Tulalang dumating sa PS HQ si Josephine, iniisip niya pa rin ang plano at kondisyon ni Rannieka, ni hindi nga niya namalayan na niyuyugyog ni Nigel ang kanyang balikat, kung hindi pa siya nito hinalikan sa mag labi ay hindi siya babalik sa riyalidad.

"Josephine, are you ok?"

"Nigel . . . l-let's break up." 

"Pardon?"

"Nigel." napatingin si Josephine sa kararating na Code Priestess na si Daisy, mas mabuti na ring marinig nito ang lahat, saka ibinalik ang tingin kay Nigel, "Naalala mo ba iyong ginawa sa inyo ni Rannieka nang hiwalayan mo siya? Muntik na niya kayong lasunin noon. Kung nagtagumpay siya malamang wala ng PS 7th Generation ngayon."

"Ano na naman ba ang plano niya ngayon?" hindi mapigilang tanong ni Daisy mula sa likuran dahilan para mabaling sa kanya ang atensyon ng dalawa.

"Papatayin niya si Reymond." 

Sabay na nagkatinginan sina Nigel at Daisy.

"Sa isang kondisyon, ipapaubaya ko sa kanya si Nigel." she's close to tears pero hindi niya pa rin pinapakawalan ang luha.

Ngumiti ng malungkot si Nigel hanggang sa tumawa ng pilit, "Haha! I guess it's settled then?" tinapik niya ang balikat ng kanyang prinsesa, "I'll do this for our friends at para na rin sa ikatatahimik ng loob mo." 

Such a heartbreaking scene., sa isip ni Daisy habang tiningnan ang papalayong si Nigel. Tiningnan niya muli si Josephine na ngayon ay umiiyak na, "Nasaan si Dahlia?"

"Nasa bahay ng mga Joveta. E-excuse me Code Priestess, pupunta lang ako sa Unit ko." 

"It will be alright Josephine. Ok?" walang ibang nagawa si Daisy kundi tapikin ang balikat ng dalaga. Nang tuluyan na itong makaalis ay naisipan niyang tumungo sa parking lot pero bago pa man siya makahakbang ay biglang nagring ang phone niya, "Hello?"

"Dear." 

"Tita Elizabeth? Bakit po?"

"I tracked my car key at nakita kong nasa isang abandonadong building ito." 

Nagtaka si Daisy sa pinagsasasabi ng ginang, "Ano pong kinalaman ko diyan?"

"Binigay ko kay Dahlia ang car key ng sasakyan ko. May tracker ang car key pati ang sasakyan ko at wala sila sa iisang lugar. Pina-check ko na ang sasakyan and Dahlia left an SOS message." 

Nabitawan ni Daisy ang kanyang cellphone.

Buti nalang ang dumating agad si Martin para saluhin iyon. Nakita niya kung gaano kaputla ang nobya, "Baby? You ok?" 

Sa halip na sumagot ay umibis ng takbo si Daisy, she must act. Malakas ang kutob niya na nasa panganib ang kambal. She pressed her earpiece and commanded, "Code E. Code E. Code E." sabay pa niyang narinig ang mga response ng mga nasasakupan na kung hindi mura ay bulyaw.

---

If you liked this part, please do Vote.

If you have something to say, please do Comment. 

If you can't do both, please do Share.

Love lots mga bebe, SheIsLexa. :*

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now