Ikapitong Kabanata

Start from the beginning
                                    

"E, anong oras ka makakauwi? Mag-a-alas-otso na, oh."

"Baka po mamayang ten o eleven o'clock. Basta po i-te-text kita." Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Teka, kasama mo ba si Jairo? Aba'y baka mamaya kung saan ka pumunta, ha? Saka sobrang gabi naman ang alas-onse. Hindi na uwi 'yon ng matinong babae, Sydney," sabi ni Nanay sa seryosong tono.

"D-don't worry, 'Nay, kasama ko naman po si Jairo. S-siya pa nga ang nag-aya sa akin na magpunta ro'n, e," pagsisinungaling ko uli.

"A, gano'n ba? Osige. Basta kasama mo ang batang 'yon ay palagay na ang loob ko. Basta sabihin mo sa kanya na iuwi ka niya nang maayos dito."

"O-opo, 'Nay. Nasaan nga po pala si Tatay?"

"Nasa trabaho pa, mag-o-overtime raw siya ngayon." Tumango na lang ako. Nagiging busy na si Tatay mula noong na-promote siya.

Palabas na ako ng bahay nang may maalala ako. "A, 'Nay? Huwag mo po munang i-te-text o tatawagan si Jairo, ha? Alam mo na po . . . baka kasi maabala siya sa pag-pa-party o baka hindi niya agad makita. Sige po, aalis na ako!" Kumaway pa ako habang naglalakad palabas ng bahay.

Ngayon lang ako nagsinungaling sa nanay ko. Kailanman ay hindi ako nagsinungaling sa kanya. Sinasabi ko ang lahat ng problema ko sa kanya. Sinasabi ko rin ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. Kung may isang tao mang handang makinig sa lahat ng kuwento ko, masaya man o malungkot, si Nanay 'yon. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko masabi sa kanya ang totoo. Alam kong hindi niya ako papayagang pumunta sa bar. Minsan ko lang din namang gagawin 'to kaya sana'y patawarin niya ako sa ginawa kong pagsisinungaling.

Nagpunta ako sa kanto para hintayin sina Kimmy, doon kasi nila ako susunduin. Ilang sandali lang ay nandito na sila, sakay ng isang magarang sasakyan na pagmamay-ari ni Louela.

"Are you ready, Sydney?" tiling tanong ni Kimmy.

"I'm ready!"

"Let's goooo!"

***

Maingay, magulo, mausok, maraming tao na nagsasayawan, umiinom, nagtatawanan, naglolokohan, nagkukuwentuhan, at marami ring naglalandian sa kung saan-saang sulok—iyan ang bumungad sa akin pagkapasok namin sa bar. Halos maubo ako nang malanghap ko ang mga usok na nanggagaling sa sigarilyo. Hindi kasi talaga ako sanay sa mga ganitong klase ng lugar.

Eighteen na kami pero pinigilan pa rin kami ng mga bouncer na makapasok. Hindi raw kasi kami mukhang eighteen. Nakipagpilitan pa kami sa kanila bago nila kami papasukin. At napapayag namin sila kapalit ng sampung libo.

Nagpunta kami sa bar counter at naupo sa mga stool na nandoon. Maraming alak ang naka-display, maraming waiters ang pakalat-kalat, at marami ring bartenders na naghahalo ng kung ano-anong inumin. Nagpapakita pa sila ng tricks sa paghahalo ng alak.

"Sydney, dahil alam kong baguhan ka pa lang, ito na lang muna ang inumin mo." Inabot sa akin ni Kimmy ang isang baso na may lamang alak. "Light drink lang 'yan. Hindi ka agad malalasing, but in your case na hindi pa sanay uminom, I'm not really sure. Pero sigurado 'kong mahihilo ka."

Tiningnan ko ang alak na nasa baso. Hindi ako sanay uminom nito. Naririnig ko lang sa mga kaklase namin na mapait daw ang alak at parang humahagod ito sa lalamunan.

"Try it, Syd. Hindi kusang papasok ang alak sa bibig mo," natatawang sabi ni Irene.

Pikit-mata kong ininom ang alak na nasa baso. Medyo nasamid pa ako at ramdam ko ang init sa aking lalamunan. Pero aaminin kong parang nakakabuhay ang pag-inom nito.

"O, ano, Syd? One more?" nakangising tanong ni Kimmy.

"Yes, please?" nakangiting sagot ko.

Nilagyan niya uli ang baso ko at muli ko iyong ininom nang nakapikit.

Rosa MagicaWhere stories live. Discover now