I put my jacket on her lap and kissed her forehead before walking towards the driver's seat.

It's not traffic at mabilis ko s'yang naihatid sa condominium niya. I removed her heels bago ko siya ihiga sa kama.

"Ako na bahala sa kan'ya, Kuya Eris." Napalingon ako sa may pinto nang marinig ko ang boses ni Alex—my girlfriend's roommate. She's a lady and I trust her.

I smiled at her. "Yeah, sure..." bahagya akong umatras para bigyan s'ya ng space.

Siya na ang bahalang magpalit ng damit ni Xyzhie. Tinulungan ko lang s'ya sa pagpupunas ng katawan nito bago umalis.

Even she's drunk or not, I don't want to take advantage of her weakness. I have a mother, and I respect woman.

It's early in the morning. I still got headaches because of liquors but I feel no hangovers. Nag-aalala ako para kay Xyzhie kaya dumaan muna ako sa drug store para bilhan s'ya ng gamot.

I texted her earlier. Tinanong ko kung papasok ba s'ya o hindi, and she replied yes. Kahit ayoko s'yang papasukin, wala akong magagawa.

Pagkarating sa University, dumaan muna ako sa locker room para kuhanin ang iniwan kong aklat doon noong isang araw. I forgot to bring it on my condominium because I'm too busy that day.

Ang dami kong nakalimutan at naiwang dalhin. Fuck hectic schedules.

Habang naglalakad ako papunta sa locker, tinignan ko muna ang dala kong bottled water at nang mag-angat ako ng tingin sa daan, nakita ko na naman ang pamilyar na babaeng makakasalubong ko.

Bumagal ang aking lakad at nagdadalawang-isip pa kung tutuloy ako papunta sa locker ko. It's her again.

"Hi Eris, my love so sweet!" She said with a hyper tone.

I play my tongue inside my mouth. Bahagya kong kinagat ang gilid ng pisngi dahil nagpipigil akong patulan ang babaeng ito. Hindi pa rin n'ya pinakinggan ang sinabi ko.

Hindi ko s'ya pinansin at naglalakad papunta sa locker. I felt her presence beside me. She's following me. Again.

Habang ipinapasok ko ang susi sa locker, tumigil s'ya sa gilid at sumandal pa roon. Mas kinontrol ko ang sarili na baliwalain ang presensya n'ya.

"Para sa 'kin ba 'yan?" She asked, pertaining to the bottled water I am holding.

Kinuha ko ang aklat sa loob ng locker at hinawakan 'yon gamit ang isang kamay, kasama ng tubig na dala ko.

Matapos kong i-lock ang locker, naglakad ulit ako palayo ngunit natigilan ako nang humarang s'ya sa dinaraanan ko.

"Uy, Eris notice me! Gusto mo bang gumanda araw m—"

Hindi ko s'ya pinatapos magsalita dahil hindi ko na na-control ang sarili ko.

"Can you please stop talking and stalking me?" I tried to be calm but I can't. Hindi ko naiwasan ang pag-igting ng panga ko.

Ngumuso ito bilang reaksyon, mas lumawak pa ang mga ngiti na akala mo nakikipagbiruan pa ako.

"Hindi naman kita ini-stalk! Nakita lang kita rito kaya—"

"Stop lying, would you?" I cut her off again.

Pumupunta lang naman s'ya rito sa building namin para guluhin ako. It's not a coincidence.

Muli akong lumakad at iniwan s'ya roon.

"Sorry na! Hindi naman ako nagsisinungaling. Gusto lang talaga kitang makita." She said behind my back.

She's annoying.

Hindi ko maiwasan ang pagkunot ng kilay habang diretsong naglalakad. How can I avoid this lady? I'm getting sick of her.

"May pupuntahan ka ba mamaya? I just want to ask you if—"

"Get lost!"

Napatigil s'ya sa pagsigaw ko. Nagtinginan din ang mga students sa 'min dahil sa boses kong nag-echo sa hallway. I closed my fist and heaved a sigh.

Tinignan ko s'ya at kasalukuyang nakatiklop ang bibig nito. Her hands were on her back and standing straight. Diretso lang din ang pakikipagtitigan n'ya sa mata ko.

Mukhang hindi s'ya natakot sa sinabi ko kaya humakbang ako palapit sa kan'ya. Napapakurap s'ya kapag lumalakad ako at tumigil lang 'yon nang ibaba ko ang mukha ko sa kan'ya.

She bended herself away from me.

I clenched my jaw before uttering a words. "Stop seducing me, Demrene. Don't waste your time on me," tumigil ako sa pagsasalita at bahagyang sinulyapan ang labi n'ya bago ibalik ang tingin sa mata nito. "Wala kang mapapala sa 'kin. I love my girlfriend just so you know... and I don't fucking care with your feelings towards me."

Tinalikuran ko na s'ya pagkatapos kong sabihin 'yon. She ruined my mood. She ruined my day. She ruined everything. She always ruined everyting.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now