Ilang classroom na lang ang lalakarin ko at makikita ko na si Eris. Malayo pa lang ay dinig ko na ang ingay ng section nila. Bukod kasi na higher section 'yon, nandon na lahat ng pinagpala sa mukha, varsity ng university at s'yempre... si Eris Julian Monterico-ang ilang taon ko ng crush.

Gusto ko sanang mapabilang sa section nila kaso ang taas ng standards! Hindi ko ma-achieve dahil kahit anong gawin ko, kung tamad naman akong mag-aral, hindi talaga ako mapapasama sa classroom nila!

Pero kung kaklase ko siguro si Eris, walang tamad tamad sa 'kin. Abot-kamay ko na 'yung pangarap ko, sinong tatamarin don, hindi ba?

Nang mapatapat ako sa pinto nina Eris, nakuha ko agad ang atensyon ng lahat, s'yempre maliban lang kina Eris at Xyzhie. Nakatalikod kasi ang dalawa habang kung ano ang pinagkakaabalahan doon.

"Hey Eris, 'yung babae mo nasa labas!" Rinig kong sigaw ni Ivann-kaibigan ni Eris.

Lumingon naman agad si Eris, kunot ang noo at sarado ang mga bibig. I waved my hands.

"Hi Eris, my love so sweet!" Walang hiyang sigaw ko kahit na nakatingin sa 'kin ang Section A. Nagtawanan sila sa sinabi ko.

Inis na umiling si Eris at tinalikuran ako. Ibinalik n'ya ang atensyon sa babaeng katabi n'ya. Kung hindi n'ya lang kaklase si Eris, malamang ako ang girlfriend n'ya ngayon!

"Pre!" Agad na hinampas ni Ivann si Eris sa braso, maaliwalas itong nakangiti. "May dalang pagkain si Demrene, puntahan mo na. Sayang din 'yon!" Rinig kong maang nito sa kaibigan.

I smirked. Feeling ko ka-vibes ko talaga 'tong si Ivann, e!

Tinaasan s'ya ni Eris ng tingin. I can't see his reaction but I can tell that Ivann make him irritated.

"Hindi ka ba pinapakain sa inyo?" Masungit na tanong ni Eris kay Ivann.

Tinawanan s'ya ni Ivann at ng mga kaibigan.

"Ang sungit mo naman. Akala ko si Xyzhie lang may menstruation!?" Ivann teased.

Hindi ko na nakayanan ang pagtayo ng matagal sa labas ng pintuan. I don't want to ask for someone's approval kaya pumasok na ako sa classroom nila ng walang paalam.

Ayoko ng tignan si Eris sa malayo. My eyes is craving to see him.

Tumigil ako sa paglalakad nang makatapat ako sa kan'ya. I draw a big smile on my face at inilahad ang biniling pagkain.

"This foods is for you. Ikaw na ang bahala kung gusto mong magshare." Kinindatan ko s'ya kahit katabi n'ya lang si Xyzhie.

Tinaasan lang naman n'ya ako ng kilay at parang walang balak kunin sa kamay ko ang pagkain. I immediately flinched and put down the treats for him.

"Kainin mo 'yan! I know it's your favorite!" Dugtong ko pero wala pa rin s'yang reaksyon.

Habang nakatingin sa kan'ya, nahagilap ko naman ang nakasulyap na si Xyzhie. "Oh, hi, Xyzhie!" Nakalimutan ko s'yang batiin!

Natahimik silang lahat dahil sa ginawa kong eksena. Ilang sandali pa ay tumayo na rin si Eris. Nakatingin ito sa 'kin at nakita ko ang pag-igting ng panga n'ya bago walang ingat na kuhanin ang dala kong pagkain.

Naglakad s'ya palabas ng classroom kaya agad ko itong sinundan.

Tumigil s'ya sa may pinto. I also stopped walking and faced him. Nakangiti pa rin ako.

"Eris, Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong ko nang mabakas ang reaksyon nito.

His brows furrowed at kanina pa galaw nang galaw ang panga. Mahigpit din ang hawak nito sa pagkain na halos gumuhit na sa kan'yang braso ang sariling ugat.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now