Chapter 39- Beauty's Curse

Start from the beginning
                                    

Just so you know, he made a bet between us. Kung mapapa-ibig ka niya, he'll fuck my latest girl, and take one of Zeus' cars.

Paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ni Marcus kanina at sumasakit lang ang dibdib ko sa mga bastos na imaheng pumapasok sa utak ko.

Ganun na ba talaga siya kasama at walang puso sa mga babae? Ganun na ba siya kalibog at makakaya niya akong saktang pagkatapos niyang paghirapan na mapalapit sa akin at sa pamilya ko?

I was so vulnerable and drunk, pero nagawa. iy akong iwan sa CR. Ang buong akala niya siguro ay hindi pa ako sober that time, na wala pa sa tamang huwisyo ang utak ko at pwede siyang maka-score sa iba without my knowledge.

Akala ko nagbago na siya...Akala ko lang pala.

As I reminisced everything he has done for me, tears continued to stream down my cheeks. Nahihingal na ako at basang-basa na ang mukha ko sa kakaiyak.

Bilib na nga talaga ako sa kanya. Kaya niyang paibigin ang lahat ng klase ng babae, kahit pa man isang mangkukulam ito...

Hindi ko na alam kung nasaan na ako. Ilang kanto na ang nadaanan ko pero wala pa rin akong nahanap na kahit tricycle man lang or taxi.

Napaupo nalang ako sa gilid ng daan at tumingala sa buwan...

JACE

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang mainit na pagsalubong sakin ng liwanag ng araw na nanggagaling sa bintana.

Wait, at kelan nagkalapit ang bintana sa kama ko? Nasa gitna ng room ko ang kama ko at ang bintananay nasa tabi ng balcony.

Napabalikwas ako ng bangon at nagpalinga-linga sa paligid. Hindi pamilyar sa akin ang mga gamit.

This is not my damn room...

At nang pilit kong inalala ang nangyari kagabi ay biglang pumitik ang sentido ko nang pumasok sa utak ko si Pepsi.

Shit. Bigla akong nagpanic.

Ano ba ang nangyari kagabi? Huli kong natatandaan ay nawalan na lamang ako ng malay pagkatapos akong dalhin ni Ava dito sa kwarto na ito na parang isa sa mga guest rooms nina Clint. Hindi ako sigurado kung dahil ba sa kalasingan or kung ano pa, dahil sa pagkakatanda ko ay hindi naman ako nalasing. I just had three cups of Red Horse and that's it.

Dali-dali akong bumangon sa kama at agad-agad na tinawagan si Pepsi pero hindi ito sumasagot.

Lintik na manok. Lumabas ako sa kwarto at bumaba sa hagdan. Nadatnan ko pa ang ibang mga tulog na estudyante na nakahandusay sa sahig, sofa, at kung saan-saan pa.

The house was a total mess. Parang nilusob lang ng isang libong akyat-bahay gang na puro alcoholic.

May ilang mga katulong ang kasalukuyang naglilinis ng mga kalat.

"Ah, manang, matanong ko lang po kung nasaan si Clint?" magalang na tanong ko sa isang matandang katulong.

"Ah, nandun sa kwarto niya ho si sir at tulog."

"Ah, anong oras ho ba natapos ang party at marami po bang nakatulog dito ngayon?" tanong ko ulit.

"Pasensiya ka na pero wala kaming ideya. Nagigising po kami ng alas-siyete ng umaga at ito na ang nadatnan naming sitwasyon." sagot nito.

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Where stories live. Discover now