Chapter 30: Enter the Fray

110K 4.9K 2.1K
                                    

AIDEN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AIDEN

THIS IS it! Oras na para resbakan ang mga nagnakaw sa clue namin.

Pagdating sa numbers, mas lamang kami kaysa kabilang team. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung bakit parang takot sina Morrie at Sean na makaharap ang strategist ng kalaban na si Joanna.

Speaking of Morrie, I understood what he wanted me to do. Obvious sa pagkurap ng mga mata niya at pagbanggit sa salitang "remorse" na meron siyang gustong i-communicate sa akin. Ang tanong ay kung napansin ng mga kaalyado namin na may iba pang sinasabi si Morrie sa akin nang palihim.

Lingid sa kaalaman ng mga kasama namin, meron akong hawak na isang sonic grenade. Gaya ng flash grenade na hawak nina Faye at Jacquelyn, kaya nitong i-stun kung sinumang hindi handa sa nakakabinging ingay nito. That would give us enough time to do kung ano ang dapat naming gawin.

Magkaalyado man kami ngayon, pero kapag may nakitang oportunidad ang mga kasama namin, siguradong babaligtarin na nila kami para makuha ang tatlong clues. We never trusted them in the first place kaya naging maingat ang team namin sa kanila.

What I needed was a perfect timing. Kapag hindi ko na-timing-ang mabuti, mabubulilyaso ang plano namin. We only had one chance to do it right. Once lost, the enemy would win.

Si Faye ang nanguna sa aming team at nagsilbing scout sakaling malapit na ang mga kalaban. She already walked down this path earlier kaya alam na niya kung saan kami pwedeng dumaan. Lumiko kami sa kaliwa at inikot ang burol para meron kaming harang mula sa line of sight ng kabilang team.

Binilisan namin ang aming lakad ngunit sinigurong hindi lilikha ng ingay ang mga yabag namin. Thanks to the tweeting of birds and the crackling sound caused by the movement of leaves, may nagsilbing cover sa footsteps namin.

Nang malampasan namin ang dulo ng burol, kinailangan naming maglakad nang nakayuko at magtago sa likod ng mga puno. I looked back to see how Morrie and two of our temporary allies were doing. Maingat din silang naglalakad kagaya namin.

Faye asked us to wait behind the shrubs as she went ahead. Malapit na ang fork in the path kaya kinailangan niyang i-scout kung gaano na kalapit ang kabilang team o kung nakalampas na sila.

Gaya ng animal emblem namin, kilala ang mga Adlerian sa pagiging master of camouflage. We could adapt to the environment and pretend as if we were with the surroundings. Kaso nga lang, hindi pa ako gano'n ka-expert pagdating sa skill na 'to.

Minutes later, we saw Faye meters ahead, signaling for us to come forward. Naglupong kami sa paligid niya nang nakayuko.

"Ilang minuto na lang, makakarating na sila rito. Mabagal silang maglakad, mukhang aware sa plano nating pag-ambush," paliwanag niya habang pasulyap-sulyap sa likuran namin. "Pwede na tayong maghintay rito hanggang sa dumaan na sila."

"Let's proceed with what we have discussed," sabi ni Sean sabay tingin kay Morrie. "Wilhelmina and Faye will stay here, Aiden and Jacquelyn will go to the other side, while the rest of us will trail behind the enemy team. The signal for the attack is a whistle."

QED UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon