Chapter 22: West and East

77.4K 4.3K 972
                                    

WILHELMINA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WILHELMINA

"BAT...TE...RY."

Without my iPad, I felt powerless. Pakiramdam ko, wala akong boses. I did not anticipate that my gadget would run out of battery this fast. Pagkababa namin ng barko kanina, it still had around fifty percent of battery life.

Nabaling sa akin ang mga nakadilat na tingin ng mga kasama ko. Parang hindi sila makapaniwala na may salitang lumabas sa aking bibig. Hinawakan pa ako sa magkabilang balikat ni Harriet dala ng pagkagulat niya.

"Di-Did you just speak seconds ago?" she shook me. "Sa 'yo ba ang boses na narinig ko kanina?"

I simply nodded. Maybe for them, I was like a child who uttered her very first word. Bilang sa mga daliri ko ang mga taong nakarinig na ng aking boses. Right this moment, three were added to the list.

"This is a surprise," Morrie regarded coldly. Panandalian ang bakas ng pagkasorpresa sa kanyang mukha at muling bumalik sa walang ekspresyon nitong itsura.

"Kaya mo naman palang magsalita, Mina! Bakit ba pinahihirapan mo kami?" natatawang tanong ni Aiden. "Pasalamat tayo na na-lowbat ang iPad mo. Kasi sa wakas, narinig na namin ang boses mo!"

I could have kept using Morse code through another channel. Pwede akong makipag-communicate sa kanila sa pamamagitan ng pagkurap ng mga mata ko o pagkalabit ng aking daliri. But the situation compelled me to give it up just for the time being.

Hinarap siya ni Harriet nang nakapamewang. "There's a reason why she isn't speaking, you moron! Sa tingin mo ba'y naka-trip lang si Mina kaya gumagamit siya ng Morse code tuwing nakikipag-usap sa atin?"

"So-Sorry na!" Iniharang ni Aiden ang kanyang kamay sakaling may balak ang Holmesian na saktan siya. "Nagbibiro lang ako! Ikaw naman, masyado mong sineseryoso!"

"Pa..sen..sya...na." Sa tagal ko nang hindi nagsasalita, nahirapan akong bigkasin ang bawat pantig. The words almost got stuck in my throat.

"No, no!" pailing-iling na tugon ni Harriet. "Wala kang dapat ihingi ng sorry, Mina. Naiintindihan ka namin. I know you have your own reasons and we respect whatever that may be. Huwag mong pansinin ang sinabi ng blonde na 'to, okay?"

I haven't shared it to anyone, but part of this condition was caused by a trauma when I was a child. Hindi ko sila gustong pahirapan sa pakikipag-usap sa akin. Mas nasanay rin kasi ako na ireserba ang aking enerhiya sa mas importanteng bagay. I always tell my fellow Watsonians that I do not like small talk. Nahihirapan akong magsalita nang diretso sa mga ordinaryong pag-uusap. But if there's any hint of urgency, nagiging tuwid akong magsalita.

"You said that you know how to identify which direction is North, right?" Morrie asked, returning our focus to our current dilemma. I could see that he was determined to win the first task despite our disadvantage. The two other teams were already out of sight.

QED UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon