Chapter 20: Tense Tea Party

105K 4.5K 4.2K
                                    

AIDEN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AIDEN

TO BE HONEST, hindi ako gano'n ka-satisfied sa napiling name para sa group namin. Mas pipiliin ko pa rin ang Four Horsemen dahil astig pakinggan. At gaya ng sinabi ni Morrie, tunog "apocalyptic." Kapag narinig ng kabilang teams ang group name namin, maiisip nilang "end of the world" na para sa kanila. 'Di ba mas cool?

Kaso nagustuhan ni Harriet ang suggestion ni Mina. Ayaw ko namang makipag-debate pa sa kanya. Baka pagkatapos ng klase namin, pagpapaluin na naman niya ako ng singlestick. May malalim namang sense at meaning ang WHAM. Kokontra sana ako kung kumontra si Morrie, kaso natikom lang ang bibig niya.

Teka, teka. Nagkakamali kayo kung iniisip n'yong may gusto ako kay Harriet kaya nag-back down na ako. Para mas mapalapit ako, kailangan kong ipakita na agree ako sa kanya at bawasan ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Don't get me wrong. It was all for what Morrie had instructed me to do.

Sa ngayon, ang dapat naming pagtuonan ng pansin ay ang Project L.O.K.I. agent na biglang umistorbo sa klase namin. Ang sabi niya, "we are overdue for a chat." Bago pa ako pumasok ngayong umaga, naikwento na siya sa akin ng House leader. Pinatawag kasi ng — ano kasing pangalan niya? — ah, Roan na 'yan ang mga House leader at mukhang hindi naging maganda ang takbo ng unang meeting nila.

Maituturing daw siya na isang VIP na may basbas ng university chancellor kaya pwede niyang gawin kahit ano. Ang pagpapakita niya ng ID ay ang kanyang I-can-do-whatever-I-want card. Nang tanungin niya si Sir Dred kung pwedeng hiramin muna sandali ang team WHAM, walang nagawa ang instructor namin kundi pumayag.

Naglalakad kaming apat patungo sa Hudson's Hub, nasa unahan ang special agent. Tahimik na nakaupo sa kanyang balikat ang itim na pusa. Mahigpit na ipinagbabawal na magdala ng pet sa mga school building. Dahil sa kanyang special privilege, hindi siya sinisita ng mga guard o ng mga instructor na nakakasalubong namin.

Clueless pa rin kami kung bakit gusto niya kaming kausapin. Wala naman kaming nilabag na rules kaya wala akong maisip na dahilan sa pakikipag-usap niya sa amin.

Habang naglalakad, Harriet and Mina communicated via Morse code by tapping fingers on their arms. Kami naman ni Morrie na nasa likuran, tahimik na nakamasid at binabasa ang palitan nila ng mensahe.

Dahil may pasok pa ang karamihan sa mga estudyante, wala pang masyadong tao sa Hudson's Hub. Umakyat kami sa second floor at dumiretso sa shop sa bandang dulo kung saan may mga Chinese character na nakasulat sa signboard.

Welcome to Mao Di Ghong's tea shop, mas kilala bilang "Ghong's Tsaa"! Para sa mga gustong uminom ng iba't ibang klaseng tea, heto ang pinaka-perfect na tambayan. Teka, parang tunog endorser na nila ako, ah. Pagdating sa drinks, ang tea shop na 'to at ang Diogenes Cafe ang mahigpit na magkalaban sa customers.

"Wercome kayo sa akin tea shop. Kayo inom dito pala daroy sa inyo suwelte."

Parang aso kung ngumiti ang lalaking nasa forty years old na siguro. Sa sobrang singkit ng mga mata niya, parang dalawang dash itong idinrowing sa kanyang mukha. May nakikita pa ba siya? Mas lumapad tingnan ang kanyang noo dahil sa kanyang receding hairline at agaw-pansin din ang kanyang bigote. Siya mismo ang owner ng tea shop.

QED UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon