Chapter 15: Night of Angels

119K 4.8K 8.3K
                                    

AIDEN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AIDEN

HAIRSTYLE? CHECK.

Gray coat? Check.

Black vest? Check.

Black necktie? Check.

Kanina pa ako paikot-ikot sa harap ng salamin para i-check kung okay na ang porma ko. Dahil isang party ang Sherrinford Soiree, kailangang disente at presentableng tingnan. My admirers would be expecting me to be well dressed. Ayaw ko namang ma-disappoint sila.

Saktong natapos na ako sa pagsuklay sa aking buhok nang marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto ng aking kuwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Saktong natapos na ako sa pagsuklay sa aking buhok nang marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto ng aking kuwarto. Nakaabang na si Matthew sa labas, suot-suot ang kanyang kulay itim na coat at necktie na may stripes. Kagaya ko, ibang-iba rin ang aura niya ngayong gabi.

"Pinapatawag na tayo ni House leader sa baba," sabi niya.

"One moment, please."

Kinuha ko ang susi ko mula sa drawer bago ako lumabas ng kuwarto at ini-lock ang pinto. Sabay na kami ni Matthew sa pagbaba sa ground floor ng Adler Apartments kasama ang iba naming Housemates na nakaporma na rin. Naka-gown ang mga babae habang naka-coat ang mga lalaki.

Hindi required sa amin ang magsuot ng mga outfit na kakulay ng aming House. Ang Sherrinford Soiree kasi ay isang event kung saan inaalis muna ang division ng apat na Houses at hinahayaan ang mga estudyante na suotin ang damit na kanilang choice.

Bumuo kami ng mahabang linya sa tapat ng Adler Apartment. Nasa bandang unahan kami malapit kay House leader Angel. Hawak-hawak ng katabi niyang council officer ang green banner na may image ng chameleon, ang aming House emblem.

Nang kumpleto na ang lahat, nagmartsa kaming mga Adlerian patungo sa Baker Building. May red carpet pang nakalatag sa hagdan patungo sa Grand Hall kung saan gaganapin ang party. Nakasalubong namin ang ibang Houses na dala-dala rin ang kani-kanilang banners.

Nasa entrance ng building ang student regent na si Jaycelle, nakasuot ng puting mermaid dress at naka-pigtails pa rin ang buhok. Kasama niya ang ilan sa mga miyembro ng organizing committee na tumutulong para i-guide ang mga attendee.

QED UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon