EPILOGUE

64.7K 2.8K 2.7K
                                    

"Balita ko ay magkakaroon kayo ng reunion sa sabado?" Nasa kusina ako ng bahay at mahigpit siyang yumakap sa likod ko at ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat.

Saglit akong napatigil sa paghihiwa ng baboy. "Bakit mo naitanong, wala ka bang balak na payagan ako?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya.

Mas isiniksik ni Dela Torre ang kanyang mukha sa aking leeg. "Hindi! Mas gusto ko nga iyon dahil makikita mo na ulit ang mga kaibigan mo after a couple of months. Ilang buwan din tayong nanatili sa US," Dual citizen itong si Dela Torre kaya naman nakapagbakasyon kami ng matagal sa ibang bansa. "Ang bango mo."

"Bolero! Puro pawis nga ako, mamaya ka na mangharot. Magluluto muna ako." Sabi ko sa kanya.

"Hindi na!" Biglang inagaw sa akin ni Dela Torre ang kutsilyo kaya napatingin ako sa kanya. "Magpahinga ka na lang, ako na ang gagawa nito." Tututol sana ako kaso kilala ko na rin si Dela Torre, matigas ang bungo ng lalaking ito at paniguradong hindi niya naman ako susundin.

I sighed as a a forfeit, pumunta ako sa lababo upang hugasan ang aking kamay. Nadaan ako sa sala ng bahay at napatingin ako sa mga photo album. Mas gusto ko pa rin talaga na pini-print ang mga litrato kaya may mga photo album dito, ke'sa naman sa ina-upload na lamang sa social media.

Binuklat ko ang mga pahona nito.

Naalala ko na naman bigla ang mga nangyari sa akin nung nag-aaral pa ako sa Music Academy. Matapos ang final performance ko nung first year ako ay tuluyan na rin nabuwag ang forbidden rule.

Napag-alaman kasi na hindi naman talaga hadlang ang relasyon para makagawa ng magagandang musika. At isa pa, hindi lang ako ang patagong nakikipagkita sa kung sino-sino... Marami kami. Nagkataon lang na kaming dalawa ni Dela Torre ang nahuli.

Nung nabuwag ang forbidden rule ay napagpatuloy ko ang pag-aaral sa Music Academy. Maayos akong nakatapos at third year na ako nung naging kami na ni Dela Torre, he courted me a year bago ko binigay ang oo ko dahil worth it naman. Mas kilala na namin ang isa't-isa ngayon.

Ang sarap lamang balikan ng mga alaala na sobrang nagmarka sa puso ko. Ang daming up's and down's sa buhay ko pero lahat iyon... May natutunan ako. Isa na rin akong kilalang performer dito sa Pilipinas ngunit mas sikat ang kaibigan kong si DJ because she is well known internationally. Deserve niya iyon, magaling naman talaga si DJ.

Hindi ko namalayan na ilang minuto ko pa lang tinitignan ang mga litrato sa photo album, ang sarap kasi balikan ng mga alaala. Ang isa sa pinakabinabalikan ko ay ang wedding picture namin ni Dela Torre, that was the most memorable day of my life.

Napatigil lang ako nung may biglang humalil sa pisngi ko. "Dela Torre, ano ba!"

"Food is ready. Masyado kang abala diyan," Wika niya napasigaw ako nung bigla akong buhatin ni Dela Torre na parang ikakasal.

"Dela Torre, ano ba! Ibaba mo 'ko!" Natatawa kong sabi pero natawa lang din ang mokong.

"Ayoko, ayokong napapagod ang prinsesa ko." Binuhat niya ako hanggang sa kusina at sabay kaming kumain. Kuntento ako sa buhay ko ngayon... At masaya.

***

Araw na ng sabado at ngayon na rin ang reunion namin, nakasuot lamang ako ng kulay asul na dress at tinulungan ako ni mama na ayusin ang aking buhok. Simplicity at it's finest. Na-e-excite ako dahil makikita ko na ulit sila DJ, I miss my friends so much! They are the reason kung bakit ako nakapagtapos ngayon dahil tinulungan nila ako na ipaglaban ang mga bagay na ipinaglaban ko. Sinuportahan nila ako hanggang sa huli.

"Ready?" Tanong ni Dela Torre habang nakasuot siya ng pambahay.

Kumunot ang aking noo, "bakit hindi ka pa bihis?"

Music AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon