Chapter 5 "Freshmen Orientation"

65.8K 2.7K 577
                                    

Dumating na ang araw ng Thursday at good mood na good mood ako dahil puro normal na subjects ang pag-aaralan namin hanggang bukas. Kasi naman, literal na wala akong naiintindihan sa Dance, Vocal, Music lessons namin. Ang dami palang terms na ginagamit patugkol sa mga bagay na iyon and literally... Napag-iiwanan ako sa klase kahit ilang araw pa lang.

"Ang lawak ng ngiti mo ah," Sabi sa akin ni DJ habang naglalakad kaming dalawa patungo sa academics department. "Inspired? May crush ka na siguro 'no?"

"Crush ka diyan, nandito ako para mag-aral. Wala akong panahon sa mga crush-crush na 'yan," Tugon ko kay DJ ngunit kumunot ang noo niya na parang hindi naniniwala sa aking sinabi. "Oo nga! Hindi naman binabayaran ng mama't papa ko yung napakamahal na tuition dito para makuta akong lumandi"

Natawa si DJ sa aking tinuran. "Sa bagay, ang mahal kaya ng tuition dito haha!"

Nakarating kami ni DJ sa math class namin for this day. Marami sa mga kaklase ko ang napaungol and nagrereklamo na bakit pa raw namin kailangan pag-aralan ang math eh music daw ang gusto. "Etong mga kaklase kong 'to, mga walang pangarap sa buhay." Mahina kong bulong sa aking sarili habang inilalabas ang notebook ko.

Pumasok na ang teacher namin sa math at sobrang excited ako sa mga dini-discuss niya. It's all about derivatives at medyo madali ang topic pero ewan ko ba! Panay kamot sa ulo ang mga kaklase ko na para bang ang hirap-hirap ng dini-discuss ni sir.

"What is the derivatives of '8x^3'? Pagtatanong si sir at mabilis akong nagtaas ng kamay at hinanap ni sir ang pangalan ko sa listahan "Miss Cindy Gonzales, right?"

"Opo sir. The answer is 24x^2"

"Correct, eh ano namang derivatives ng 24^2?" Pagtutuloy ni sir, all my classmates eyes was fixed on me at pinapanuod nila ako sa ginagawang panggigisa ni sir. A tually mas na-e-enjoy ko pa 'to ke'sa sa Dance lesson namin. Real talk.

"48x po" Pagsagot ko.

"What is the derivatives of 48x?"

"48 po sir and kung tatanungin niyo po kung ano yung derivatives ng 48 ay 0 po" Sabi ko at nagpalakpakan anv mga kaklase ko. It's not big deal at all. Hindi naman ako matalino, na-gets ko lang yung discussion ni sir kanina dahil ang galing niyang magturo.

"Very good miss Gonzales, you may take your seat. Hindi ko inaasahan na masasagot mo ang tanong ko" Nakangiting sabi ni sir at ngumiti rin ako.

Pagkatapos ng klase namin ay mabilis na lumapit sa akin si DJ at tinunggo ang aking balikat. "Huy ang talino mo pala, kahit pala mahina ka sa musics eh bawing-bawi naman sa academics" Pagpupuri niya sa akin.

Actually grumaduate ako bilang honor student nung highschool ako at ang dami kong medals sa bahay na napanalunan ko galing sa iba't-ibang contest like presscon, technolympics at iba pa. "Madali lang kasi yung lesson kaya nakakasagot ako, kapag humirap na 'yan nganga na rin ako" Natatawa kong tugon kay DJ.

"Baliw ka rin talaga," Umiiling na sabi ni DJ. "Ako nga kanina ay kulang na lang eh magpatong ng unan sa desk sa sobrang antok sa klase niya. Real talk, nahilo ako bigla nung naglagay ng mga numbers sa board si sir." Ako naman ang napatawa sa tinuran ni DJ.

Bago lumabas ay napatingin na naman ako kay Frost na mag-isang nagliligpit ng kanyang gamit. His cold stares and poker face look, ibang-iba talaga doon sa Frost na napanuod ko nung monday sa may 8th floor ng music department. Yung Frost kasi na iyon ay punong-puno ng emosyon tapos yung Frost dito... Parang isang bato sa sobrang lamig sa pakikitungo sa ibang tao.

"Huy nakatulala ka na naman diyan kay Frost" Bulong sa akin ni DJ at lumabas na kaming dalawa ng room upang mag-lunch sa cafeteria.

"Wala. Ang loner niya, wala ba siyang kaibigan DJ?" Pagtatanong ko sa kanya.

Music AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon