Chapter 28 "Face my fear"

46.6K 2.3K 438
                                    

Nung sumunod na araw ay ang sakit ng katawan ko dahil sa ginawa namin kahapon. Maghapong praktis sa sayaw at isama mo pa ang paglalaro namin sa dagat

"Hey loser! Hindi ka pa ba kakain?" Pagtatanong sa akin ni Yngrid na room mate ko. Pumupungay ang mata ko na nag-unat. Tumingin ako sa orasan, 8:23 na pala ng umaga.

"Wala ba tayong activity ngayon?" Pagtatanong ko kay Yngrid. Pinusod kong pa-bun ang aking buhok dahil sobrang gulo nito.

"Mamaya pang alas-tres ng hapon ang start. So free tayo the whole morning, let's do island hopping?" Nakangiting sabi ni Yngrid.

Para naman akong nagising sa kanyang sinabi dahil iyon ang magiging unang beses kong mag-island hoping. "Pwede rin ba tayong mag-snorkling?"

"Sure, but let eat first." Naglakad na kami ni Yngrid para pumunta sa kitchen. Malaki ang kitchen na ito na para bang isang malaking restaurant na kayang-kaya na i-accomodate ang maraming bilang ng tao.

May catering service din na kasama sa binayaran kaya eat all you can kami. Nakakatuwa lamang na may ganitong pakulo ang aming paaralan, hindi nila hinahayaan na magutom o may masabing masama ang mga estudyante patungkol sa paaralan.

"Napanuod ko yung dance performance ninyo kagabi." Panimula sa akin ni Yngrid habang kumakain kaming dalawa. Iilan na lamang ang tao dito dahil late morning na nga at paniguradong nasa beach na ang iba.

Sumubo muna ako ng teriyaki, "talaga? Ikaw man napanuod ko yung sa inyo, ang galing mo nga eh." Pagpuri ko.

"May laman ang bibig mo ta's nagsasalita ka, loser ka talaga." Maarteng sabi ni Yngrid. "Ang ganda ng performance ninyo as a whole team but individually, you are so lacking. Kapansin-pansin iyon."

Ganito talaga si Yngrid, prangka. Sanay na rin naman ako sa mga harssh comment niya dahil sa kabilang banda, totoo naman ang kanyang mga sinasabi. She always helped me to improve.

"Alam ko naman 'yob, sobrang hindi pa ako magaling sa pagsayaw perp pagbubutihan ko pa." Pursigido kong sabi sa kanya.

"I think we need to add some new exercise in our morning routine. Para naman maka-cope up ka agad, ayos lang?" See? Yngrid was always there para tulungan ako. Walang dahilan para magalit sa prangkang babae na ito.

"Mas okay nga iyon eh! Salamat Yngrid."

"You're so welcome, loser."

Matapos naming kumain ay saglit akong dumaan sa kwarto ni D.J, sabi ng ka-room mate niya ay nag-surf boarding daw silang dalawa ni Lucas. They are both adventurous na hindi ko naman magagawa dahil nga takot ako sa malalalim na parte ng dagat.

Pagkabalik ko ay nakasuot ng swim suit si Yngrid at may robe siya sa pambabang bahagi niya. Hindi ko na iyon kinuwestiyon, laking America si Yngrid kaya't batid kong medyo liberated kid siya. "Sexy naman this girl!" Natatawa kong papuri sa kanya at natawa na rin siya.

Kumuha ako ng kulay itim na T-shirt na may adventure time na design at jersey short. "You are wearing that kind of thing?" Nakakunot ang noo na pagtatanong sa akin ni Yngrid. "Hello! Maglilibot tayo Loser, hindi tayo magba-basketball."

"Okay na 'to. Wala akong nakikita na mali sa suot ko." Sabi ko sa kanya.

"I'm pretty sure naman may baon kang swimsuit 'diba? Yung binili natin last time before tayo pumunta dito." Sabi ni Yngrid, nag-shopping kasi kaming dalawa bago tumuloy sa Music camp na ito. Ayoko nga sanang bumili ng swim suit kaso ay libre ni Yngrid iyon kaya nakakahiyang tumanggi.

"Dala ko pero--"

"No more but's loser! Isuot mo na iyon. Minsan lang tayo magkakaroon ng ganito kaya sulitin mo na!" She said.

Music AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon