Chapter 1: The Evaluation

99.2K 3.9K 1.8K
                                    

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa dream school ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa dream school ko. Nakikita ko ng personal 'yong mga buildings, 'yong mga music classroom, at maging ilang estudyante na nagpa-practice ng sayaw sa field dahil dito sila naka-dorm.

Kinikilig pa rin ako sa tuwa hanggang ngayon, maiapak ko pa nga pang ang paa ko rito ay grabe na ang saya sa puso ko, what if kung makapasa pa ako sa entrance performance? Juskolord! My performer self will be so very happy.

Bawat building na madaanan ko ay walang tigil ang pagkuha ko ng litrato. "Grabe, mas aesthetic pala talaga itong Music Academy sa personal kaysa sa mga napanonood kong vlogs at tiktok videos." Pagmo-monologue ko.

Mabuti na lang talaga at pumunta ako rito mag-isa kahit gustong sumama ni Mama dahil walang susuway sa akin. Enjoy na enjoy ko 'yong view ngayon sa lugar. "Iyayabang ko talaga 'to sa buong angkan namin lalo na sa mga tsismosa naming kapit bahay."

Humanap ako ng magandang angle para makuhanan ang isang statue sa isang building. "Nice, kaunting zoom lang 'to puwede ng i-IG story." Puri ko. I checked my wristwatch at namilog ang mata ko sa kaba. Shit! Mahigit alas-nueve na pala!

9:00AM kasi ang simula noonh entrance performance sa auditorium. Dali-dali akong tumakbo at nag-ikot sa campus pero may isang problema... anak ng pechay! Hindi ko alam kung saan ang auditorium!

"Naku naman, Cindy. Sana inalam mo muna kung saan ang auditorium bago ka sana nagmala-Cinderella sa pag-iikot sa Campus." Mahina kong binatukan ang aking ulo. Lord, sana umabot pa huhuhu.

Sa ilang minuto kong pagtakbo at pagtatanong-tanong ay sa wakas ay narating ko na rin ang auditorium. Pinihit ko ang doorknob papasok dito– sarado na! Ilang beses ko pa siyang sinubukan ngunit hinarangan na agad ako ng guard.

"Miss, bawal ng pumasok." Sita nito sa akin.

"Manong guard, applicant din po ako. Mag-e-entrance performance din po ako. Na-late lang po ako kasi naligaw po ako sa laki ng campus ninyo." Depensa ko. Ang laki kasi ng Music Academy tapos bandang dulo pa itong auditorium.

"Sorry, miss, kabilin-bilinan kasi sa akin na wala na dapat akong aplikante na papasukin pagpatak mg alas-nueve. Istrikto ang Music Academy pagdating sa oras. Kapag pinapasok kita, ako naman ang mapapagalitan." paliwanag sa akin ni Manong Guard.

"Kuya please naman, oh! Ang tagal kong pinangarap 'tong school na ito." Pagmamakaawa ko. "Wala ng ibang schedule para sa Entrance performance, kung hindi ako makakapag-perform ay mabubuwag na ang pangarap kong makapasok sa Music Academy."

Ipinakita ko ang application letter ko sa kanila na sinagutan ko sa bahay. "Ito kuya, payagan niyo na kasi ako please." Pagmamakaawa ko at naluluha na ako sa kaba.

"Sorry Miss—"

Hindi niya naituloy ang sasabihin niya noong may lalaking naglakad sa gilid. Napalingon ako kung sino iyon— si Henry Dizon! He is wearing a black shades, naka-plain white shirt lang ito na pinatungan ng casual tuxedo coat pero ang lakas ng dating niya.

Music AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon