Chapter 2: Unexpected Result

84.1K 3.1K 538
                                    

RAMDAM ko ang pagod at hindi ko alam kung paano sasabihin kanila Mama na hindi ako nakapasa sa Music Academy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

RAMDAM ko ang pagod at hindi ko alam kung paano sasabihin kanila Mama na hindi ako nakapasa sa Music Academy. Parang gumuho ang lahat ng pangarap ko dahil wala naman akong ibang school na gustong pasukan. Sabayan mo pa itong kapatid kong ulupong na paniguradong kakantyawan lang ako hanggang sa mabuwisit niya ako.

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa Seven Eleven na malapit sa Bus station. Umupo ako sa bakanteng upuan at nakatulala lang na nakatingin sa mga sasakyan at mga taong nagdadaan. Tandang-tanda ko pa 'yong masasakit na salita na binato sa akin ng panelist. Para bang at that moment ay pinamukha sa akin na talentless ako at hindi nababagay sa Music Academy.

"Miss," isang boses ang narinig ko mula sa likod.

"Hmm?" Tanong ko habang lumong-lumo pa rin na nakatulala sa labas. Hindi ako nag-bother na tumingin sa kaniya kasi sobrang sabog na talaga ako lalo na't nag-iisip ako kung paano ko ito ipapaliwanag kay Mama. Sobrang supportive niya pa naman na makapasok ako sa MA.

"Is the seat beside you already taken? Wala na kasing bakanteng seats." Sabi nito.

"Kuya 'wag ka na umupo diyan. I need space. Hindi maganda ang naging araw ko." Paliwanag ko at pumangalumbaba sa lamesa.

"Wew. Nandamay pa nga ng taong masisira ang araw." Huling sabi nito at naglakad na yata paalis dahil wala nang nangulit sa likod ko.

Ilang minuto rin akong nakatulala na nagmamasid lang sa mga dumadaan. Malalim akong nagbuntong hininga. Mahina kong tinapik-tapik ang aking pisngi. "Cindy, puwede ka naman mag-apply sa ibang Music School sa Pinas, baka doon ay palarin ka."

Kinuha ko ang bag ko na nasa katabing upuan at akmang isusukbit na noong lumapit sa akin ang isang crew ng Seven Eleven. "Food for you." sabi nito at ipinatong ang isang chuckie at siopao asado.

"H-Ha? Sa akin po?" tanong ko at tumango ito. "Wala po akong binili, nagpa-aircon lang po talaga ako rito sa Seven Eleven. Saktong pamasahe na lang 'tong pera ko, eh. Maling tao po yata." Paliwanag ko dahil baka mamaya ay singilin ako bigla ng mga 'yan kapag kinain ko 'yan.

"Pinapaabot po ng lalaking kanina na nasa likod ninyo," Ha? Bakit naman? Napansin niya bang parang sinasampal ako ng langit at lupa sa kamalasan ngayong araw? "Sabi niya iabot ko na lang daw po sa inyo once na makaalis na siya."

"Sino raw?" I asked.

"Hindi po nagpakilala, eh. Nakasuot din pong mask saka sumbrero kaya 'di ko mapaliwanag 'yong hitsura." Napansin niya na dumadami na ang taong nakapila sa counter. "Sige po. Enjoy your meal po."

Pinagmasdan ko ang inabot niyang pagkain at bahagya akong napangiti. Infairness, napagaan kahit papaano ang nararamdaman ko.

Kinain ko 'yong siopao at maging ang inuming inabot niya. Naisip ko na baka social experiment lang ito at bini-video-han ako... pero pakialam ko? Gutom na ako. Kahit ipakita pa nila mukha ko sa video okay lang.

Music AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon