Nang matapos siyang sumuka ay kaagad siyang tumingin sakin at mahinang ngumiti.

"Ayos lang ako, Miss. Sorry, hinang-hina na talaga ako, eh." anito na parang hindi naman nanghihina.

Inalalayan ko siyang tumayo. Biglang may tumikhim kaya napatingin kaming dalawa roon.

Nakatayo si Castielle doon na nakapamulsa. Sinilip niya ang nasa sahig at bahagyang ngumiwi.

"It's that a puke?" tanong nito.

Tumaas ang kilay ko, "Obvious ba?" sagot ko.

May mga tao talagang alam na nga nila yung sagot, nagtatanong pa? The specific question dapat ay 'bakit may suka?' Tch.

"Clean it up,"

Napatingin ako sa kaniya. "What?"

Tumaas ang kilay niya at bahagyang umangat ang labi. "I said, clean it up."

Mas lalong nanlaki ang mata ko at itinuro ang suka, "But, it's her puke not mine!" sagot ko at tinuro ang sarili.

Tumaas nanaman ang kilay niya but then bigla siyang naging seryoso, "Well, it's your job, right? And this Miss over here is a patient..." anito at inakbayan ang babae.

Nakita ko naman ang pagpunas ng babae sa bibig niya at tiningala si Castielle na parang kilig na kilig.

"...right, babe?" tanong nito sa babae at sabay kindat.

Napakagat labi ang babae at parang kuminang pa ang mata habang nakatingin kay Castielle at tumango-tango.

Mas lalong nanlaki ang mata ko. What the fuck? Pati ba naman sa CR nakikipaglandian siya?

Well, magtataka pa ba ako? Eh, siya si CR BOY! Sa CR nakikipag-chukchukan! Bwesit.

"Patient? Oh sige nga? Anong sakit mo? Bakit ka nagsuka?" tanong ko sa babae. Aba! Nursing ata ako!

Natigilan naman ang babae sa tanong ko. Tila hindi alam kung bakit siya nasuka at tumaas ang kilay ko ng bumaling siya kay Castielle na parang nanghihingi ng tulong.

Tinanaw ko ang suka sa sahig. Mas lalong tumaas ang kilay ko ng makitang hindi naman tunay na suka 'yun! Parang isinuka lang ng pasadya!

"Epekto yan ng gamot na ininom niya kaya niya nasuka ang mga nakain niya." sagot niya, tunog doktor.

Mas lalong kumulo ang dugo ko. Iniinis niya talaga ako nu? Sinadya niya talaga ang lahat nang to ano?

I tried to smile at them, "Ganoon ba? Sige labas na kayo. Linisin ko na'to, ha?"

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Castielle. Ha? Anong akala niya? Alam ko na ang plano mong fuck boy ka! Kahit inis na inis nako sayo hindi ko ipapakita sayong gago ka.

"Bilisan mo na nga diyan! Mapanghe na sa male's comfort room!" asik niya bago umalis ng banyo, sumunod naman sa kaniya ang babae. Iniwan pa ang kakuntyaba! Tch.

Pagod na pagod akong umupo sa waiting area. Pawis na pawis ako at gutom na gutom na. Damn it. Talagang pinahirapan ako ng lalakeng 'yun pero hindi dapat ako magpatalo sa kaniya. Aba!

Master Casanova (Master #1) (Completed)Where stories live. Discover now