Medyo ipinagtaka ko nang dahan-dahan niyang inilapit ang kamay niya sa labi ko. Gamit ang likod ng pointing finger niya para niyang hinaplos ang gilid ng labi ko.

"You're drooling." She told me.

Bigla akong napahawak sa labi ko dahil sa sinabi niya at bigla kong napagtanto na jo-joke lang pala siya.

She giggles. "Just kidding."

"Nandito na ba ang lahat?" Dinig kong tanong ni Ma'am pero hindi ko pa din inaalis ang tingin sa bago kong classmates na sobrang ganda lalo na nung ngumiti.

Syo-syotain ko 'to! Sakto seatmate ko siya. Madali lang akong makakadiskarte!

"Magkakaroon tayo ng seating arrangement kaya lahat ng nasa first row tumayo muna kayo."

What?!! Bigla kong na ibaling ang tingin kay Ma'am na hawak na ngayon ang names ng students niya.

Shit naman! Bakit gano'n? Kung kailan seatmate ko na 'tong si Miss. Beautiful tsaka pa siya nag pa-seating arrangement?

Badtrip naman si Ma'am o!

Nag simula si Ma'am sa mga may surname na nagsisimula sa letter A hanggang sa dumating letter L, kung saan kasama ako dahil ang last name ko ay Love. Nasa gitna ako ngayon nakapwesto pero mabuti na lang at sakto sa tabi ng bintana.

Ako na ang panghuli sa L kaya ang sunod naman na tinawag ni Ma'am ay letter M.

"Morris, Cara." Hinanap ko kung sino ang ma-swerteng seatmate ko pero mukhang mas bumaling sa'kin ang swerte nang si Ms. Beautiful ang nakita kong naglalakad papalapit sa direksyon ko.

Ha!! Ang bait talaga sa'kin ni Lord!

So, Her name is Cara.

Pagupo niya nginitian ko agad siya, sinuklian naman niya ang ngiti kong 'yon. Ang swerte ko talaga!

"Mundo, Fiona." Next naman na binanggit ni Ma'am kaya ito ang tumabi kay Cara. Bago din siya sa paningin ko, siguro transferee din siya.

Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng seating arrangement si Ma'am hanggang sa dumating sa Z kung saan kasama si Beauty dahil Zamora ang apilyido niya. Buti na lang kahit papaano malayo pa din siya sa'kin.

After ng seating arrangement namin, class officers naman ang inayos naman ni Ma'am.

As expected, binoto ni Beauty ang sarili niya bilang class president at binoto naman agad siya ng classmates namin.

Nang dumating naman sa muse at nagtatanong si Beauty kung sino ang i-no-nominate bilang Muse dahil siya na ang president kaya siya na ang nagtatanong sa lahat. Nagtaas ako ng kamay kaya na punta ang atensyon niya sa'kin.

"I nominate Cara Morris as muse!"

"What?!" Gulat na tanong ni Cara.

"What? Bagay ka do'n." I winked at her.

"Dapat tinanong mo muna ako kung gusto kong maging muse!"

"Bakit ano bang gusto mo?"

"Taga lista ng noisy!"

I laughed at her words. "Really? Hindi na tayo elementary para maglista ka pa nun."

"'Yon lang ang gusto ko e. Para exempted na 'ko sa ma-lilista."

I laughed again.

Sinulat naman agad ng secretary ang name ni Cara sa black board kaya wala na siyang magawa. Nang makapili ng tatlong naminado pinatayo 'to ni Beauty. Wala nang nagawa si Cara kundi tumayo.

Nag simula sa botohan at nang tinanong kung sino ang gustong bumoto kay Cara isa ako sa nagtaas ng kamay, tumingin ako sa mga classmates ko at madaming bumoto sa kanya kaya kahit hindi na tanungin pa kung sino ang gustong bumoto sa ibang nominated sure na ang panalo ni Cara.

"Happy?" Medyo sarcastic na tanong ni Cara. Tumango lang ako bilang sagot habang nakangiti nang mapangasar.

Next naman ay ang botohan para sa escort nagtaas ulit ako ng kamay at binoto ang sarili ko. Confident akong mananalo ako kaya kami ang magiging mag partner.

Nang dumating botohan syempre ako ang nanalo, mga walang dating naman ang kalaban ko e. Walang kahirap-hirap. Haha!

Natapos ang unang klase namin na 'yon lang ginawa, gano'n din naman sa mga sumunod na subject namin.

Nang dumating ang break time...

Kausap lang ni Cara ang isa pa niyang katabi na si Fiona, mukhang plano nilang sabay na mag recess kaya sumingit ako sa usapan nila.

"Cara, gusto nyo bang sumabay sa'king mag recess? Ipapakilala na din kita sa iba kong tropa." Sabi ko sa kanya.

"Gusto mo bang sumama tayo sa kanya?" Tanong ni Cara kay Fiona.

"Yeah! Ayos lang."

"Okay, sasama na kami sa'yo." Cara told me.

Ako na ang nag lead sa'min palabas ng classroom namin. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Cara habang naglalakad kami. 'Yong ganda niya kasi 'yong tipong hindi mo pagsasawaan.

"Hoy Love, may dumi ba 'ko sa mukha? Bakit nakatitig ka?" Tanong niya.

"Wow Cara! Ang bilis mo naman, Love na agad tawag mo sa'kin?" Biro ko.

"Sira! Last name mo Love 'di ba?"

"Ahh... oo nga nu?" I laughed.

"Jays!!" Dinig kong tawag sa'kin kaya na punta do'n ang atensyon ko. Ang nakita ko ay si Paulo kasama pa 'yong iba naming kaibigan na sina Reden, Aben at Jomar na nag lalakad papalapit sa'min.

"Par, pakilala mo naman sa'kin 'yong mga chicks na kasama mo." Paulo said.

Inakbayan ko si Cara para malaman niya agad na off limits na dahil akin na siya. "She's Cara Morris, my new... girl."

Hinawi ni Cara ang kamay kong naka akbay sa kanya. "Since when?" She asked, raising her right eyebrow.

"Since i laid my eyes on you!" I winked.

"Ha!" She crossed her arms. "Ang bilis mo masyado Love. Hinay-hinay lang baka ma-fall ka agad." She smirked.

"Ohhhhh!!" Sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan ko dahil siguro namangha sila sa sinabi ni Cara.

"Patay ka Jays, nakahanap ka na ng katapat!" Natatawang sabi ni Paulo.

I smirked back at her. "Kung sa'yo ako ma-fa-fall, ayos lang."

"Harot a!" She comments, dryly.

I chuckled, amusingly. "Just sayin!"

To be continued...

Her Name Is CaraWhere stories live. Discover now