Tatayo na sana siya kaya lang narinig niyang umungol ang binata, "Unnhh . . . h-hangin . . . "

"Reymond? Reymond gising—" for the second time around, hinila na naman siya nito at hinalikan. Hindi niya maiwasang mamula ng sobra at mariing pinikit ang kanyang mga mata.

Nang binuka ng binata ang kanyang mga mata ay pinakawalan na rin niya ang labi ng babae, "I'm sorry." tanging sambit niya sa dalaga.

"A-ayos ka lang ba?" 

Napangiti si Reymond nang makitang pulang-pula ang mukha ng babae, nagagandahan siya rito at para bang nakita na niya ito rati, sa bagay wala naman siyang naalala kaya malamang hindi talaga niya malalaman kung saan sila nagkita noon, "Oo. Pasensya sa panggugulo ha? Pero kasi wala akong maalala. Iisang bagay lang ang sigurado ako at iyon ay ang pangalan ko ay Reymond at tinawag mo akong Reymond kaya I assumed—"

"Na kilala kita?"

"Oo."

"K-kaya pala hindi mo ako makilala?" 

"Bakit sino ka ba?"

"Rannieka Joveta." nag-aalangan pa si Rannieka na dugtungan ang kanyang sinasabi pero napagdesisyunan na niyang ipagpatuloy ang kanyang naisip na plano. Huminga muna siya ng malalim at sinabing, "Ang girlfriend mo, honey." para mas maging kapani-paniwala ay sinunggaban niyo ito ng halik at inilagay ang mga kamay sa batok ng binata.

Reymond just responded to the kiss, he wrapped his arms around her waist at mas lalong hinila palapit sa kanya ang dalaga. It was slow at first hanggang sa lumalim at hindi nila namalayang nakahiga na pala sila sa kama. Nang akma na niyang bubuksan ang butones ng suot ng dalaga ay natigilan siya, "H-honey are we really, you know, doing this stuff?" 

Ngumiti lamang si Rannieka at mula sa pagkakapatong sa kanya ng binata ay pinahiga niya ito sa tabi niya. Umunan siya sa dibdib nito at yumakap ng mahigpit, "No. Palagi ring ganito, pinipigilan mo ako. Tumitigil tayo." pagsisinungaling niya. Alam niyang umaandar na naman ang pagiging ideal man nito. Nasa genes na nga yata ito ng binata. 

"Honey ano bang nangyari? Paanong—"

"Bukas sasabihin ko lahat sa iyo." pahayag ni Rannieka, hindi pa kasi siya nakakahanap ng palusot, "Let's just cuddle." mas lalo siyang sumiksik dito at amoy niya ang bango nito. Malamang kinikilig siya pero iisang bagay pa rin ang nasa isip niya, Para sa iyo itong gagawin ko bessie . . . para sa iyo.

***

"OASIS calm down." saad ni Daisy sa kanyang Code Genius.

Lumapit si Oasis sa dalaga, "How am I supposed to calm the fucking down?!" 

"Huwag ka ngang OA Oasis, ligtas naman si Reymond doon." 

Napalingon si Code Genius sa nagsalita, si Nigel Santos, "Ligtas? You're kidding, right?" 

Si Cabaron, na minsan lang makialam sa mga usapan na hindi naman siya concern ay tumayo at tinapik sa balikat si Oasis, "We need a rescue operation." napatingin sa kanya ang lahat. Tiningnan din niya naman ang lahat at muling nagsalita, "Si Rannieka Joveta, ang noo'y number two fan ng PS. Number two kasi marami na raw siyang kaagaw sa number one, that's why she chose to be our number two fan."

"At nang dahil sa isang Code na 'hindi kuno kayang manakit ng babae', she became our hater. Our only hater." pagpapatuloy ni Oasis habang nakatitig kay Nigel.

Lumapit si Martin kay Nigel at umiiling na tiningnan sina Oasis at Cabaron, "Come on guys, walang personalan."

"Nakatatak sa isipan niya na may kinalaman si Reymond sa pagkamatay ni Jennica." monotonous na pahayag ni Christian saka hinigop ang kape, "At updated tayo sa kayang gawin ng pamilya niya. Nasa pulitika sila and we all know how politics works."

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now