CHAPTER 37

21.2K 336 31
                                    

CHAPTER 37

 

 

 

“Ate Clarence.” Nagulat ako sa taong tumawag sa akin. Si Heiji na nasa harapan ng pintuan. Umiiyak.

Hawak hawak ko pa din ang kutsilyo at nakatutok sa leeg ng ina niya.

“Heiji pumasok ka sa loob!” Suway ng ama niya.

“Ate Clarence. Patawarin mo na si Mama.” Lumapit sa akin si Heiji at lumuhod.

“Clarence, pananagutan ko lahat ng kasalanan ko. Wag mo lang idamay ang mga anak ko, pati ang asawa ko.”

“Hinding hindi ko sila gagalawin dahil wala silang kinalaman dito!” Mas lalong kong nilapit sa kanya ang kutsilyo na hawak ko.

“Clarence, please.” Pagmamakaawa ni Mr. Mizushima.

“Papanagutan ko Clarence. Mapatawad mo lang ako.” Sabi sa akin ni Mrs. Mizushima. Hinawakan niya ang paa ko at nagmamakaawa.

“CLARENCE!!” Sigaw sa akin ni Laurence. Tumingin ako sa likod ko andoon silang lahat.  “Clarence nagmamakaawa ako, wag mong patayin ang ina ko. Nagmamakaawa ako! Ako na lang!” Pagmamakaawa ni Laurence.

Tumingin ako kay Heiji. Bakas sa kanya ang sakit na naramdaman ko noong nawala ang mga magulang ko.

Itinapon ko ang kutsilyo na hawak ko at inihagis ito sa isang puno.

“Bahala na ang batas.” Sabi ko saka akmang aalis na.

“Clarence… Papanagutan ko ito. Sana mapatawad mo na ako.” Umalis na lang ako pagkatapos.

Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon