CHAPTER 33

21.1K 358 23
                                    

CHAPTER 33

 

 

JARED POV

 

Ilang weeks na rin ang nakakaraan simula nung makasama ko sila Clarence. Yung nangako akong hindi ko siya iiwan kahit anong mangyari. Bilang kaibigan. Pero habang tumatagal na lagi kaming nagkakasama… Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Unti-unti na akong nagkakagusto sa kanya.

Nasa kanya na nga halos lahat ehh. Maganda, mabait, matapang, mapagmahal.. Diba ideal girl yun?? Ngunit sa kabila ng nararamdaman ko, may negative din na pumipigil sa akin. Hindi dapat ako mainlove sa kanya. Bakit??

Hindi ko alam. Feeling ko kasi, si Laurence pa din. Hindi nga niya binabanggit si Laurence pero sa tuwing nakikita ni Clarence na may kasamang iba si Laurence, kahit tumatawa man siya… nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. She’s easy to read nowadays. Pero alam kong pinipilit niyang bumalik sa dati na walang pakealam sa kahit sino man. Yun bang, ang alam niya ay tama lahat.

Nandito ako ngayon sa tambayan. Katext ko si Clarence. Minsan kasi hindi na niya nakakasama masyado si Mikee. Nililigawan pala ni Mike si Mikee. Kaya ayun, laging nag-iisa si Hime. Pero alam kong hindi naman siya basta basta hinahayaang iwan ng kaibigan niya. At siyempre nandito ako. Nasa tabi lang niya lagi.

“Jared..” Biglang may tumapik sa likuran ko. Pagtingin ko, si Laurence.

“Bakit?” hindi ko pa rin siya masyadong napapatawad dahil sa kagaguhang ginawa niya kay Hime. Gago din naman kasi ako ehh, una pa lang alam ko na. Di ko naman akalain na hanggang sa huli panloloko pa rin iyon.

“Ano…” Tumabi siya sa tabi ko at umupo. “Kamusta si… Clarence?” Sabi niya sa akin. Eto ang una unang paguusap namin ni Laurence na tungkol kay Clarence. Nagsasalita siya ng hindi nakatingin sa akin.

“Bakit?” Tanong ko naman.

“Wala lang. Gusto ko lang siyang kamustahin.”

“Well, she’s doing…. Good. Nakakyanan na niya. Tumatawa na siya, bumabalik na din siya sa dati.” Sagot ko sa kanya. Nagsindi naman siya ng yosi.

“Ganun ba? Alagaan mo siya ahh.” This time nagkatinginan na kami. Ngumiti siya sa akin at tinapik ang balikat ko. Pagkatapos nun, umalis na siya at pumunta sa may couch. Parang may kakaiba sa mga mata niya. He was like pleading for something. Hindi kaya mahal na din niya si Clarence? Pero napakaimpusible. Ang alam ko, sila na ni Gabriella. Matagal na. Tinwo time niya si Clarence actually. Wag niyo akong sisihin. Last week ko lang din naman nalaman na naging sila habang sila ni Clarence. What a jerk.

Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon