CHAPTER 58 - CHALLENGE #2: INTELLIGENCE

16.2K 220 9
                                    

CHAPTER 58

 

NARRATOR POV

 

Pagkapasok nila Clarence sa isang pintuan nagsimula na ang laban.

Sobrang lakas ng mga kalaban nila na halos hindi na makasuntok sila Ryan.

“AAAHHH!!” Napatumba si Jerico sa sahig, dumudugo na din ang kanyang ilong. “MAGBABAYAD KA!! AAAAAAAAHHH!!” Sinuntok niya ang isang lalaking may highlight ng blonde sa tiyan. Pagkatapos sinipa niya ito sa mukha.

Samantalang sila Mike naman at Ryan hirap din sa  pagsuntok. Halos ilag lang silang dalawa. Ng magkaroon ng chansa si Mike, sinuntok niya ang kalaban niya sa mukha. Pero nabawian siya ng kalaban na sanhi ng pagkakabagsak nito sa sahig.

Tatadyakan na sana si Mike ng sipain ni Jerico ang lalaking gustong umatake kay Mike.

“Thanks bro.” Bumawi ng suntok si Mike sa kalaban niya at pinagtulungan nila Jonathan hanggang sa duguan na ito.

“AAAAHHH!!! PTAAAA!!!!” Nakahandusay sa sahig si Paulo at sabay tapak naman ng lalaking kalaban niya sa kamay nito. “AAAHHH!” Sigaw ni Paulo. Hindi siya makalaban dahil sa nabugbog siya ng husto.

May brass knuckles kasi ito at sobrang bilis, kaya minsan hindi naiiwasan ni Paulo ang mga suntok nito.

“HAHAHAHAAHHA!!” tawa ng kalaban. Sinipa ni Mike at Jerico ng sabay sa likod ang kalaban ni Paulo.

Pagkabagsak nito sa sahig, hindi na pinalampas nila Mike ang pagkakataon. Dahil once na nakabanggon ito, baka matalo pa sila.

“AAHH!!” Sigaw naman ni Ryan.

“RYAANNNNN!!!” Sigaw nilang lahat. Dumudugo na ang kaliwang braso ni Ryan, may hawak na kutsilyo ang kalaban niya.

Tutulungan na sana nila si Ryan ng pigilan sila ng mga naging kalaban nila. Masyado silang malakas. Hindi sila agad-agad nakabawi. Pinagsusuntok ng mga kalaban sila Mike.

At ang matindi pa, dumudugo na ang noo ni Jerico. Dahil sa pagsuntok ng kalaban nilang may brass knuckles.

Dahil doon nakabawi ng suntok si Paulo. Natumba ang kalaban pero pinagtulungan siya ng mga apat pang kasama ng sinuntok niya.

“Hindi…. Dapat… tayo…. Matalo…” Jerico murmured habang kinukuha ang kutsliyong nalaglag sa sahig.

“Kaya natin to…” Ryan said habang tumatayo. Kinuha ni Jerico ang kutsilyo sabay saksak nito sa kalaban sa braso. Nanghina ang kalaban niya kaya nasuntok niya rin ito sa mukha.

Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon