CHAPTER 35

20.3K 362 26
                                    

CHAPTER 35

 

 

MASAKI POV

 

 

Ano bang nangyayari?! Bat nagkakagulo?!! Papunta kami ngayon sa tambayan ng Phase 10. Una, nakikiusap si Shin ng makita niya ako na kausapin daw niya si Clarence. At ngayon naman, eto. Hay nako!

Pagkadating namin sa kuta nila, bugbog sarado na sila Chin at Darren. Medyo bugbog sarado din sila Dennis at Lance.

“Anong kaguluhan to?!” Sabi ko. Huminto naman silang lahat.

“TANUNGIN MO YANG MGA ALIPORES MO!! Susugod sugod dito agad-agad?!!” Sabi ni Steve.

“Kung sabihin niyo na lang kaya kung ayaw niyong magkagulo pa!” Sabi ko naman. Alam kong nagngingitngit na din sa galit sila Kevin. Pero pinipigilan ko sila.

Lalapitan na sana namin sila Chin at Darren na nakahandusay doon pero pinigilan kami ni Lance.

Galit nag alit ang itsura niya. Ano bang nangyayari?!

Out of nowhere, sinuntok niya ako ng malakas. At doon na nagsimula ang suntukan.

CLARENCE POV

 

Pagkadating ko sa park nakita ko ang isang lalaki na nag-iisa. Nasa may swing siya at halata mong malalim ang iniisip niya.

“Lalim ng iniisip natin ha.” Medyo nagulat sa akin si Shin. Mukhang natakot dahil nga naman nakatakip halos ang buong mukha ko.

“Si-sino ka?” Sabi niya sa akin.

“Malalaman mo din.” Nilapita ko siya saka kwinelyuhan. Pagkatapos nun sinuntok ko na siya.

“Natatandaan mo pa ba, Shin? Ang ginawa mo mga ilang taon na ang nakakalipas?” Pinaikutan ko naman siya habang nagsasalita. Nakahiga siya sa damuhan at duguan ang labi niya.

“Anong pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan!” Sabi niya ng pagtataka. Inalis ko ang cap ko.

“Ang kagaguhang ginawa mo sa akin noon? Natatandaan mo pa ba?” Inalis ko na din ang pagkakatali sa buhok ko. “Shin Yoshima!” Sigaw ko at napaatras siya. Inalis ko na din ang mask ko sa bibig at halata mong gulat na gulat siya.

Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*Where stories live. Discover now