CHAPTER 34

20.9K 355 15
                                    

CHAPTER 34

 

 

Pagkapasok ko si Ryugi agad ang sumalubong sa akin. Ano nanaman ba?

“Master.” Sabi niya bigla pagkadaan ko sa kanya. Napahinto naman ako doon. Bakit? Master ang codename ko. May kanya-kanya kaming codename.

“Anong pinagsasabi mo?” Sabi ko na lang sa kanya. Hinila naman niya ako sa bilihan ng milk tea at nagorder kami. Umupo kami at nagusap na din.

“Sabi ko na nga ba! Tama lahat ng hinala ko. Clarence, ikaw… ikaw ang bagong member ng Ichisan. Ang isa sa pinakamalakas nila. Tama diba?” Hindi ako kumibo at hindi rin ako nagpakita ng kung anong expression. Hinayaan ko lang siyang magsalita.

“Ikaw yung nakacap na nambugbog sa amin noong binugbog namin si Kevin. Nakita mo ang lahat ng pangyayari kaya ka naghiganti. Isa pa malapit sayo si Kevin. Diba Clarence? Sabihin mo sa akin na tama ako. Mahirap mahanap ang bagong member kasi iniingatan nila ito.”

“Paano mo nasabi na ako nga iyon?” Paghahamon ko sa kanya.

“Narinig ko kayo ng pinsan mo na naguusap. Tungkol sa grupo namin. At nabanggit ng pinsan mo na magingat ka, dahil paano na lang pagnalaman namin na ikaw ang bagong miyembro nila. Stalker na kung stalker, pero gusto kong malaman kung ikaw nga ba talaga.”

“Bakit gusto mong malaman?”

“Ewan ko? I used to it. Lagi kasi akong nacucurious sa isang bagay at hangga’t hindi ko nalalaman kung sino o ano iyon, hindi ko titigilan.” Now I know kung bakit siya ganun kadesperado. “So ikaw nga yun?” Sabi niya sa akin at tinignan ako ng maigi sa mata.

“Paano pagsinabi kong, ako nga iyon? Anong gagawin mo? Ipagkakalat mo? Sasabihin mo sa kanila at maghihiganti kayo?”

“Of course not. Anong gusto mong mangyari? Gera? Anlaki lang ng galit ng grupo namin sa grupo niyo.”

“So galit ka? Sa Ichisan?”

“Not really. Alam ko namang mali si Laurence ehh. Pagalam kong mali ang isang tao, sa tama ako kakampi. Basta ganun. So ikaw nga?”

“Ano naman sayo kung ako nga iyon?” Sabi ko sa kanya at nagsmirk.

“WHAT THE FCKKKKK!!!” Sigaw niya at napatayo pa talaga siya. Nakakahiya naman tong si Ryugi. Kung makareact. “Ahh. Hehe. Ang galing mo naman sa Math Clarence!!” Sigaw niya ulit. Now he looks weirder. Umupo na din siya pagkatapos.

Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*Where stories live. Discover now