CHAPTER 14

22.5K 370 2
                                    

CHAPTER 14

 

CLARENCE POV

 

“CLARENCE! Totoo ba? Totoo ba na binusted mo si Jared?” Shocked na tanong ni Rowena sa akin.

“Ginawa ko lang kung ano ang tama.” Sabi ko habang binabasa ang English book ko. May quiz kasi kami ehh. Nagapply kasi akong scholar para bawas sa gastos. Kaya kailangan, isa akong dean’s lister.

“Anong tama?! Sayang naman! Ang gwapo pa man din niya at mukhang mabait.”

“Maraming namamatay sa maling akala, Rowena. Kaya ikaw, mag-ingat ka kay Laurence. Payo lang.” Sabi ko at ngumiti saglit sa kanya.

Nag klase na kami after ng conversation namin ni Rowena. As expected, bagsak nanaman sila Rowena. Paano, hindi sila nagrereview at gustong makipagkopyahan sa akin. Ayoko nga! Duh. Maghirap sila. Yan ang bagay sa kanila, puro kasi sila club club. Aish.

“Andamot mo naman Clarence!” Sabi ni Joyce.

“Hindi ko na problema kung hindi kayo nag-aral. Bawas-bawasan niyo na kasi yang paginom niyo. Natututo na din kayong manigarilyo oh. Hindi na kayo nag-aaral ng mabuti.” Nagpout naman silang lahat.

Naglalakad kami papuntang Mcdo ng lumapit sa akin si Clyde.

“Bakit?” Tanong ko.

“Anong magandang ibigay kay Joyce?” So, seryoso siya kay Joyce?

“Ano bang paborito niya?”

“Madami ehh.”

“Alam mo Clyde, kahit ano naman siguro maaappreciate ni Joyce eh basta galing sayo. Ano bang meron?” Tanong ko.

“Monthsary namin.”

“Eh diba nagmonthsary na kayo??”

“Oo, pero kasi birthday din niya niyan. Kaya hindi ko alam kung anong pwedeng ibigay sa kanya.”

Nagisip isip naman ako. Eto ang mahirap ehh pag maarte ang pagbibigyan mo.

“Ano ba talaga ang gusto niya?”

Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon