Napahawak ulit ako sa noo ko. Ang init talaga...

"Tara practice tayo ulit." Sabi niya sakin. Sinubukan kong tumayo. Pagkatayo ng pagkatayo ko, napasandal ako sa sahig. Nahihilo ako.

"Hey, okay ka lang ba?"

"Oo nga! Huwag ka nang mag-alala sakin." Sh-t sige palusot pa more, CJ.

"Talaga? Ang puti na ng mukha mo. You look very pale. May sakit ka ba?" Lumapit siya sakin at may planong hawakan ang noo ko pero madali ko naman tinapon ang kamay niya. "I'm okay." Sabi ko sa kanya.

Nagulat ako nang hinawakan niya ang likod ng leeg ko at tsaka hinila ako palapit sa kanya. Oy chansing! >////////<

"Ang init mo! Ang init ng leeg mo!" Tinulak ko kaagad siya. "Bitawan mo nga ako."

Napahawak siya sa noo ko. "Ang init mo! Kailangan mo nang umuwi."

"No, I'm fine okay? Huwag OA." Sabi ko. Kahit nahihilo na ako, I'm fine.

"Sabi ko ngang---" Bumagsak na ako sa sahig dahil sa sobrang hilo.

"You're not okay. Ihatid na talaga kita."

"Nooo! Umalis ka na. Iwan mo na ako. I can handle myself." Pero nagulat ako i-backride niya ako. Kinuha niya yung bag niya at bag ko at tsaka madali na siyang lumabas.

Sinambunot ko yung buhok niya. "Yah! Shete ka ibaba mo nga ako!"

"This for your--Aray!"

"Sabi ngang ibaba mo na ako eh! Papatayin talaga kita Zion."

"Ihatid na kita sa bahay niyo. Just hang on." Napatahimik ako. He's such a gentleman.

Habang bumababa na siya sa hagdanan, sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya. I yawned quietly.... Makatulog nga.

ZION'S POV

She's as light as a feather. Naramadaman kong sumandal siya sa balikat ko. "Chrystal?"

"..........." Tulog siguro. It's better if I won't wake her up. Nang makalabas na kami ng skwelahan, bigla nalang umulan. Sh-t!! Badtrip! Naiwan ko pa ang motorcycle ko sa bahay!

Pumunta ako sa harapan ng gate. Wala ding mga dyip na dumadaan. It's past 6:20pm. Sh-t, anong gagawin ko?

She'll get more sick kapag mababasa siya ng ulan. Wala na akong ibang naiisip pa kaya tumakbo na ako. Okay lang sakin na mabasa ako ng ulan basta hindi lang siya magkasakit. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makadating ako sa kalsada kung saan may madaming taxi.

Pinarahan ko yung isang  taxi at tsaka ipinasok muna si Chrystal. Pagkatapos ay pumasok din ako. I know where she lives kaya there's no problem. Sinabi ko sa driver ang address ni Chrystal. Pinahiga ko si Chrystal at tsaka linagay ang ulo niya sa paa ko.  Hinawakan ko ulit yung noo niya. Ang init talaga ng katawan niya. Her hands also are hot.

*30 minutes later*

"Dito po, manong." Pumara yung taxi sa harap ng bahay ni Chrystal. Umuulan pa din hanggang ngayon.

Ni-press ko yung doorbell na nasa labas ng gate nila. May lumabas na magandang babae. "Huh? Sino ka?" Nagulat siya nang makita si Chrystal sa likuran ko.

"Omay cheez! Anong nangyari sa kapatid ko?!" Baka ate siya ni Chrystal.
Madali siyang kumuha ng payong sa loob at tsaka pinayungan kami ni Chrystal hanggang sa makapasok kami ng bahay nila. "Mabuti pang iakyat mo na siya sa kwarto niya. Luluto lang ako ng soup." Sabi ng ate niya sakin. Tumango lang ako at tsaka umakyat na ng hagdan papunta sa kwarto ni Chrystal.

Nang makapasok ako, bumungad sakin ang mga magagandang music cut-outs. She does really love music katulad ko. At katulad din sakin ay passion niya ang pagsasayaw.

Hiniga ko siya sa kama niya at inayos ang paa niya. Napahawak ako sa noo niya at mainit pa din ito. Hindi ko alam pero napatawa ako ng konti. Binabaliw na siguro ako.

Pumasok ang ate niya sa kwarto at linapag ang tray na may soup at tsaka tubig sa bedside table ni Chrystal. "You must be Zion right?" Tanong niya sakin habang pinupunasan niya si Chrystal.

"Ah opo. Kilala niyo ako?" Napatawa siya ng konti. Anong nakakatawa?

"Actually, palaging nagkukuwento ang kapatid ko tungkol sayo. I know how much a great friend you are to her." Ngumiti siya. Magkapareho sila ng mukha.

"Ah talaga po?" Sabi ko at ngumiti din.

"Yep! Oh by the way, ako si Ate ni Chrystal na si Ayumi. Nice to meet you, Zion." Instead na mag shake hands kami, nag high five kami as it we're friends. Yeah, we are XD

"Kayo lang bang dalawa ni Chrystal ang magkakapatid?" Tumango siya at tsaka pinunasan na niya ang mga kamay ni Chrystal.

"Yep. We call Chrystal by her nickname which is CJ. We have 5 years age gap."

Linagyan niya ng wet cloth ang noo ni Chrystal. "Zion, tara sa baba."

Sinundan ko si Ate Ayumi pababa ng hagdanan. Umupo kaming dalawa sa sofa facing each other. "So, ano mo ang kapatid ko Zion?" Napalunok ako dun ah.

"Para sakin, your sister is a special friend." Sabi ko.

"Oh okay. Eto oh." Inabot niya sakin ang box of donuts pero umiling ako. "Huwag na po, Ms. Diamante. Mabuti pang umuwi na po ako."

"Ano ka ba? You can call me Ate Ayumi. Sige mag-ingat ka sa pag-uwi." Sabi niya at hinatid na ako sa labas ng bahay nila.

Pagdating ko ng bahay, patay na ang lahat ng ilaw. Unti-unti kong binuksan ang pintuan at tsaka dahan-dahang pumunta sa kwarto ko.

"Saan ka galing?" Napatalon ako sa gulat nang makita si Ate Zyra na naka cross arms at nakaupo sa kama ko. Gosh, akala ko si Annabelle.

"Uh....uhm.... Hinatid ko yung kaibigan ko sa ahm.. bahay nila. Yun lang ate kaya can you please leave?"

"Damn excuses, Zion. Makahatid ka ba ng tao kung nandito ang motorcycle mo?"

"Aish pagod na ako ate. Can you please leave? Let me sleep." Sabi ko.

"Okay then." Sabi niya at lumabas na. Phew!

Pumalit na ako ng damit at tsaka humiga sa kama. I hope she'll be okay...

************

BAD BOY IN LUVWhere stories live. Discover now