34 ~ Burn (SPG)

187K 3.9K 113
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR

DAHAN-DAHAN at parang slow motion na pareho nilang nilingon ni Von Ether ang nagmamay-ari ng baritonong boses na iyon mula sa likuran nila. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba sa dibdib niya ng makita ang gwapong lalaking bisita nila.

"Tito C-Carlie..." Sambit niya, inalalayan siyang makatayo ni Ether at sinalubong ang Tito niya. "Paano niyo pong nalaman na nandito kami?" Humalik siya sa pisngi nito.

"Hindi mo na dapat itinatanong 'yan, Saleen."

She pursed her lips. Useless ang tanong na iyon. Knowing this man in front of her, Carlie Lane has a lots of connections like her daddy Matthew.

"Bakit po biglaan yata ang pagdating niyo, Tito?"

"Your father, Matthew, he'd been looking for you. I bet, he used almost all his connections to find you but still failed to see you."

At doon lang muli bumalik ang kaba sa dibdib niya ng mapagtantong hinahanap siya ng ama. And she's with Ether for Pete's sake!

"Si dad..."

"That's why I am here."

Mabilis na nag-angat ulit siya ng tingin sa gwapong tiyuhin. "I-Ibabalik mo na ako sa bahay?"

"I am here to help." Nakahinga siya ng maluwag. "But I need to talk with Ether first." Bumaling ang atensyon nito sa tahimik na lalaking katabi niya.

"Sige po."

Sabay-sabay silang pumasok sa bahay bakasyunan ni Ether at muntik pa siyang mapatalon ng bigla na lang sumulpot sa harap nila ang Tita Valerie niya, asawa ng Tito Carlie niya.

"Oh my God! Tita Valerie! I'm about to jump in surprise." Bulalas niya at lumapit sa ginang upang halikan ito sa pisngi at yakapin ng sandali. "It's been a while, Tita."

"Yes it's been awhile Saleen, pero kahit pa gano'n hindi pa din naglalayo ang ganda natin." Kinindatan pa siya nito na ikinatawa niya.

"Mag-uusap lang kami." Paalam ng Tito Carlie niya sa asawa nito at sa harap nila mismo ay hinalikan nito ang Tita Valerie niya. That was sweet!

Ng mawala sa harap nila ang dalawang lalaki, tila ba nakaramdam siya ng pagkagutom lalo na ng maamoy niya mula sa kusina ang adobong manok.

"Gosh! I'm gonna eat that chicken adobo, Tita!"

"Iniluto ko talaga iyan para may makain tayo dito. Tara na, kumain ka na." Sabay silang nagpunta sa kusina. "Maupo ka lang riyan, ipaghahain kita."

"No Tita, I'm good." Akmang lalapit na siya sa island counter ng taasan siya ng kilay nito and somehow it intimidate her kaya naman napilitan siyang humila ng upuan at panoorin itong ipaghain siya. "Tita..."

"Yes?"

"Nakausap mo ba si dad?" Nag-aalalang tanong niya. "Galit na galit ba siya sa ginawa ko?"

Inilapag nito sa ibabaw ng lamesa ang kanin at chicken adobo bago siya binalingan. "Normal lang naman na maramdaman ng daddy at mommy mo ang mag-alala sa iyo lalo at hindi nila alam kung nasaan ka at sino ang kasama mo. But I don't think he's mad at you. Sa itsura ng ama mo, parang hindi niya kaya magalit sa iyo." Sa isang banda, gumaan ang pakiramdam niya na malaman na hindi naman pala galit ang ama, nag-aalala lang. "Kay Ether, sigurado na madadagdagan ang galit ng daddy mo sa kanya lalo na kapag nalaman na magkasama kayo ngayon. Itinakas ka niya. It's kidnapping, you know."

"Kidnapping? Hindi naman po Tita—"

"Pero sa batas, ang ginawa niya ay isang kidnapping." The woman smiled at her, a creepy smile.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Where stories live. Discover now