12 ~ Trap?

141K 4K 142
                                    

CHAPTER TWELVE

"MCLAREN!" Naiinis na tawag niya sa pinsan niya. Kinakabahan pa din siya kahit na nakalayo na sila sa hotel. "Tawagan natin sila. I want to know if they're safe."

"Safe sila."

"S-sigurado ka?"

"Oo naman. Baka ligaw na bala lang 'yon."

"Kung ligaw na bala iyon, hindi dapat sunud-sunod."

"Then, sunud-sunod na ligaw na bala." Sarkastikong tumawa pa ito at komportableng nagmamaneho sa basa na daan pero hindi talaga siya mapakali.

"I'll call Either." Hinanap niya ang cellphone niya at napamura ng mapansing wala naman siyang dala kahit na ano. "Darn. I left my phone."

"Pwede ba, stop worrying."

"At bakit hindi? Kasama pa nila si Akiko!"

"Oh, a jealous girlfriend is here." Sumipol ito. "Yan lang ba ang pinag-aalala mo? I suggest you not, hindi niya papatulan ang babaeng 'yon." May disgusto sa boses ni McLaren.

"You don't like Akiko?"

"I never like her. Gusto ko na nga siyang—ah never mind."

"Si Von Ether..." She is thinking with him right now.

"He's fine."

Umiling-iling siya. "No, I don't feel like that. Alam ko kapag o-okey siya at hindi ko iyon maramdaman ngayon." Kinakabahan siya, kanina pa simula ng dumating si Akiko sa silid niya. "Alam kong may nangyayaring hindi ko alam and Akiko is one of the involved person here."

Tinignan lang siya ni McLaren mula sa rearview mirror ngunit hindi na nagtangkang sagutin siya. Tama ba ang hinala niya? O kinakain lang siya ng selos kaya pinag-iisipan niya ng masama si Akiko?

NAGKATINGINAN sila ni Corvette ng may lumabas na mensahe mula sa transparent color ng contact lenses na suot nila. Ngunit mababasa lang nila ng maayos ang message kung itutuon nila ang mata sa malinis at malinaw na bagay, kaya naman agad na hinagilap ng mata nila ang bagay o parte sa loob ng hotel kung saan pwede nilang buksan ang mensahe at malinaw na mabasa ng hindi nahahalata ng tatlong babaeng kasama nila.

Pasimple niyang iginala ang mata sa wall na kulay krema ang pintura sa likod na bahagi ng inuupuan ni Mazda at Liberty, and read the message written in French.

'Quittez cette chambre le plus tôt possible.'
Leave the room as soon as possible.

Mabilis nawala ang mensahe na silang apat ang nakatanggap matapos nilang mabasa at mabilis din na nagtama ang mata nilang apat dahil sa paalala na iyon.

"Ang sabi sa email, hinihingian siya ng limang bilyon kapalit ng buhay niya. Naaawa ako sa kaibigan ko pero hindi ko na nagawang sumagot sa mensahe niya dahil nawala na lang bigla iyon matapos kong mabasa ang laman niyon." Ani Akiko ngunit wala na doon ang atensyon niya kundi nasa isa pang mensahe na dumating.

'Garder mon bébé en sécurité, sinon je vais vous tuer tous!' Keep my baby safe or else I will kill you all!

Tumaas ang sulok ng labi niya ng minsan pang makitaan niya ng emosyon sa mukha si Corvette, iritasyon ang nabanaag niya doon dahil sa pangalawang mensahe.

"Are you telling us na nasa panganib si Lexy?" Saleen asked, he can feel her body shaking in fear.

Matatakutin masyado si Saleen kaya hanggat maaari ay ayaw niya itong nadadamay sa mga bagay na alam niyang magiging sanhi ng kahinaan ng dalaga. Tulad na lang ngayon.

"Y-yes, she's in danger."

"Kidnap for ransom?" Akiko nodded as an answer.. "S-si Lexy, oh my—"

"Sshhh, she will be fine." Pang-aalo niya kay Saleen habang hinahaplos ang buhok nito pababa sa likod. "Ne vous inquiétez pas." Don't worry.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Where stories live. Discover now