25 ~ Giving up

112K 3.4K 130
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

PANAY ang bagsak ng luha sa pisngi niya habang iniimpake ang ibang gamit niya na dadalhin paalis, palayo sa taong mahal niya.

Akala ko, okay lang sa akin na may itinatago siya. Akala ko okay lang sa akin na huwag niya na lang sabihin sa akin ang lahat kasi... Kasi kahit hindi niya sabihin ang mga itinatago niya, masaya pa din naman kaming dalawa. Pero, hindi ko pala talaga kaya. I want to know everything about him, what he's doing and his secrets. But why he can't tell me? Am I not worth enough for his trust?

Kausap niya sa sarili at ng maalala ang anghel sa tiyan niya ay mas lalo siyang naiyak. Nanghihina na napaupo siya sa kama at pansamantala munang itinigil ang pag-iimpake. Nagbaba siya ng tingin sa tiyan niya.

Ganoon ba ako katanga para harap-harapan na pagsinungalingan ng daddy mo? Ganoon ba ako ka-bulag sa pagmamahal sa kanya para hindi ko mapansin na nagsisinungaling na pala siya? Bakit gano'n anak? Bakit gano'n siya? Bakit nagawa sa akin ng daddy mo ang lahat ng 'to? Hindi man lang ba niya inisip na masasaktan ako? Na masasaktan ka? Na masasaktan niya tayong dalawa?

Lumuluhang tanong niya sa anghel sa sinapupunan niya kahit alam niyang hindi naman siya nito naririnig. Pero ayos lang iyon sa kanya, pakiramdam niya kasi kakampi niya ito.

I'm sorry ha. I'm sorry kasi sumuko ako, isinuko ko siya. Hindi ko na kasi talaga kaya, anak. Kapag nakikita ko siya, nasasaktan ako. Masakit dito. Tukoy niya sa puso niya. Mas mabuti pang lumayo na lang ako sa kanya. Mas mabuti pang huwag ko na lang siyang makita kesa saktan ko ang sarili ko ng paulit-ulit

"Aaaaaaaaggghhhhh!!!"

Napaigtad siya ng marinig ang malakas na sigaw ni Ether na puno ng hinanakit ang mahihimigan kasabay niyon ay ang sunud-sunod na pagbasag ng mga babasagin na gamit sa loob ng bahay.

Mabilis na pinunasan niya ang luha at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay tinapos ang pag-iimpake ng gamit niya. Kailangan niya ng makaalis.

MASIKIP ang dibdib niya ng sundan niya ng tingin si Saleen pabalik sa silid na pinanggalingan nito kanina.

Mapait siyang tumawa ng maalala ang luha na namalisbis sa magandang mukha nito.

"How dare you Von Ether?" He bitterly asked himself. "How dare you make your woman cry for ninth times? Paano mo siya nagagawang saktan ng harap-harapan at paiyakin ng paulit-ulit?"

Inisang lagok niya ang alak na nakuha niya sa mini bar ng bahay niya.

"Paano mo nagagawang saktan ang babaeng walang ibang ginawa kundi intindihin ka, alagaan at mahalin ka? Paano mo nagawang saktan ang ina ng anak mo?"

Puno ng hinanakit at panunumbat sa boses niya habang kinakausap ang sarili. Ilang minuto pa lang siya doon pero nakakailang bote na siya ng alak.

Tumingin siya sa nakasarang pinto ng kwarto nila ni Saleen, kung nasaan ito ngayon.

His chest tightened in pain everytime he remember how Saleen's cry because of him.

Paano mo nagagawang saktan ang babaeng mahal mo?

Muli ay mapait siyang natawa sa kagaguhan niya. Of course, he loves Saleen so damn much! He loves her more than anyone else in the world!

But I can't tell her how much I love her...

How much I want her in my life...

How much I want her to stay here with me...

I wish I could tell her how much she means to me...

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Where stories live. Discover now