26 ~ Face off

121K 3.9K 232
                                    

CHAPTER TWENTY SIX

WALANG tigil ang pamamalisbis ng luha sa pisngi niya habang tinatakbo ang daan palabas sa bahay ni Ether.

Wala na pa lang mas sasakit pa na makita ang taong mahal mo na iiwan mo dahil lang sa hindi mo na kaya pa, at dahil lang sa sumusuko ka na. Pero ang mas lalong nagpadagdag ng paninikip ng dibdib niya ay ang katotohanan na hindi man lang nagawa ni Ether na pigilan siya.

Pinapakawalan na din ba niya ako?

Pinapalaya na din ba niya ako?

Hindi na dapat siyang umasa dahil sa isang banda, siya ang sumuko at siya ang nang-iwan.

Handa na sana siyang mawalan pa lalo ng pag-asang makaalis sa lugar na iyon dahil nakasara ang gate ni Ether na ginagamitan pa ng remote control ng bigla na lang dahan-dahang bumukas iyon at nagsipasukan ang tatlong sasakyan na alam niyang pawang mga mamahalin.

Only a billionaires can afford buying those cars.

She stopped from walking fast when the owner of those cars came out.

"Ate Saleen..." Mahina lang ang boses ni McLaren. "Ihahatid na kita. Walang dumadaan na taxi sa lugar na 'to."

"Ako na ang maghahatid sa kanya." Lumipat ang tingin niya kay Corvette na wala naman siyang mabanaag na anomang emosyon sa mukha nito.

Tumango lang si McLaren at Mazda bago patakbong tinahak ang loob ng bahay ni Ether.

Umikot si Corvette sa back passenger seat at binuksan iyon. Kinuha nito ang dala niyang bag at inilagay doon bago siya muna nito tinitigan.

"Get in,"

Wala sa sariling pumasok siya sa loob ng sasakyan. At habang umaandar iyon palabas ng gate ay unti-unting bumalik sa balintanaw niya ang masasayang ala-ala nila ni Ether sa ilang taon na magkasama sila at nagmamahalan.

Is she really made a right decision? Is this what she wants? Is this makes her happy? Being away with the man she loves?

"Bakit gano'n, Corvette? Bakit mahirap para sa kanya na pagkatiwalaan ako?" Bigla niya na lang naitanong iyon. Ngunit tinignan lang siya ng pinsan niya mula sa rearview mirror. "All these years, puro lang ba kasinungalingan lahat ng sinasabi niya sa tuwing ilang araw siyang hindi nagpapakita? Puro pangloloko lang?"

"One day, you'll know whatever he's hiding. You just have to wait for that day."

"Totoong may itinatago siya?" Mapait siyang natawa at inis na pinunasan ang luha sa pisngi niya. "Bukod sa pagsisinungaling niya tungkol kay Akiko... May iba pa siyang kasinungalingan na ginagawa? Hindi ko na yata kaya pang intindihin at tanggapin lahat ng iyon kung mayroon man."

"You make the right decision now for leaving him."

"Paano mong nasabi iyan?"

"Hindi ako bulag, Saleen."

"Ang sabi nila magiging tama lang ang desisyon na ginawa mo kung magiging masaya ka kapag nagawa mo na, pero bakit imbes na saya, sakit 'yung nararamdamam ko ngayon?"

"Dahil walang tamang desisyon sa maling pagkakataon." Sinulyapan siya ni Corvette mula sa rearview mirror. "Minsan nagdedesisyon ang tao kapag galit o nasasaktan sila, kaya hindi na nila iniisip kung ano ba ang kalalabasan ng ginawa nila kung magiging masaya ba talaga sila o hindi."

"Alam ko naman na hindi ako magiging masaya sa ginawa ko pero hindi ko na kaya Corvette. Hindi naman siguro kaduwagan na matatawag ang pagsuko lalo kung sobrang sakit na."

"That's why people invented the words Let Go and Be Free."

"Let Go and Be Free? Para kapag sobrang sakit na hahayaan at papalayain ko na lang siya? Ganoon ba iyon?"

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon