“Like what-the-fck Clarence! Ang taong hinahanap hanap namin, nasa tabi na pala namin! My ghad. Wala sa itsura mo.”

“Ha! Kaya nga looks can be deceiving.”

“You’re right you’re right. Damn it! Can I test your skill?” Sabi niya sa akin at naeexcite pa.

“Saan?” Sabi ko naman. Pagbibigayan ko siya.

“Sa tambayan namin. After dismissal..”

“Okay.” Sabi ko at bumalik na kami sa room namin.

Nagdaan ang ilang subjects-lunch-subjects pagkatapos dismissal na. Nasa corridor na agad si Ryugi nun.

Ginamit namin ang kotse niya at eto na. One on one kami.

“Wag mo akong maliitin Ryugi.”

“I know, I know.” Sabi niya sa akin. Pinosition na niya ang sarili niya habang ako tinitignan ko lang siya. Nakatayo lang ako at hinihintay siyang umatake.

Ng biglang palapit siya sa akin at akamang susuntukin na niya ako pero naiwasan ko iyon at hinawakan ang kanang kamay niya na dapat ipangsusuntok sa akin. Hinigpitan ko ang pagkakahawak at sinipa siya paharap. Napahiga siya sa damuhan.


Lumapit uli siya para suntukin ako pero naiwasan ko ulit ang sinuntok ang tiyan niya. Pagkatapos nun mukha naman niya ang sinuntok ko.

“Ang bagal mo.” Angal ko. Alam ko malakas siya sumuntok pero mabagal siya. Yun ang disadvantage sa kanya.

Tumayo ulit siya at akmang susuntukin ako gamit ang kanang kamao niya. Iiwasan ko na sana ng pineke niya pala ito at susuntukin na ako gamit ang kaliwang kamao niya. Pero naunahan ko siya dahil naiwasan ko yun pababa at sinipa ang kanyang paa ng dahilan ng pagkakatumba niya.

“Tangina! Ayoko na! Ayoko na!” Angal niya at akmang sumusuko na talaga. Tinulungan ko naman siyang tumayo at inoffer ang kamay ko. Pero hinila niya ako palapit upang suntukin pero napigilan ko iyon gamit ang kaliwang kamay ko.

Hinawakan ko ang kanang kamay niya and twisted it.

“AAAAAAAAHHHH!!!! ARAYYYYY!!! ARAY!!! AYOKO NA TALAGA TANGINA!!!!!!!! TOTOO NA TO!!!!! ARAYYYYYY!!!” Sigaw niya kaya binitawan ko na ang kamay niya. Tinayo ko naman na siya at inalalayan.

“Doon! Doon!” Turo niya sa loon ng isang bahay. Well, not literally bahay. Walang laman nga lang.

Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*Where stories live. Discover now