Ang ganda niya kasi, eh. Nakaka-in love lalo. Pero alam ko sa sarili ko na hindi lang yung pisikal na anyo niya yung minahal ko. Mahal ko kung ano at sino siya. Kahit gaano pa siya kagulo. Kahit gaano pa kadami yung naging mali niya sa buhay. Kahit minsan ang sakit niya sa ulo, kahit minsan nakakainis na siya.

Pero mas gugustuhin ko pa yata na maging gano'n siya basta huwag lang siyang mawawala. Grabe, ganito ba ako kahulog sa kanya?

Hindi naman sa nagbabalak akong umahon pero hindi ko lang ine-expect na magagawa kong ma-in love ng ganito. Mukha akong teenager.

"Ma'am."

Napakunot yung noo ko. Naaalibadbaran talaga ako kapag tinatawag niya akong Ma'am. Kami na't lahat-lahat pero Ma'am pa rin! "Bakit?"

"Nakatulala ka." Puna niya.

"Ano naman?"

Nagkibit lang siya ng balikat bago magpatuloy sa ginuguhit. Napangiti naman ako nang mapansing ako pala yung dina-drawing niya. "Hindi ka rin masyadong in love sa akin, 'no, South?" Nanunudyong tanong ko. "Ako talaga ang dina-drawing."

"Oh." Walang kaemo-emosyong reaction niya. "Hindi nga masyado."

Napasimangot ako. Bwisit. Nag-backfire kaagad sa akin. "Ewan ko sa'yo."

Iniligpit ko na lang yung mga pinagkainan namin. Bawal magtapon ng basura dito kaya pati kalat itinago ko, may lagyanan naman, eh.

Sumandal na lang ulit ako pagkatapos at pinanood ulit siya. "Nakakaselos talaga 'yang pagd-drawing mo."

"Tapos?"

"Wala lang." Sagot ko. Totoo naman kasi. Kung hindi laptop ang karibal ko, yung cellphone naman niya. Tapos itong pagd-drawing niya. Hindi ko naman mapigilan kasi mahal niya yung ginagawa niya. "Buti pa yung drawing binibigyan mo ng attention tapos akong girlfriend mo..."

Napahinto siya. Bumuntong hininga siya bago ibaba yung gamit. Tinaasan niya ako ng kilay. "Problema mo?"

"Wala naman." Ngumiti ako. Tinitingnan ko lang naman kung papansinin niya yung pagda-drama ko. "Upo ka rito," Iminuwestra ko ang kamay sa lap ko. "Bilis."

I bit my lower when she obliged without protest. As in para siyang masunuring bata na umupo paharap sa kandungan ko. Ang kaso napansin niya yung pagpipigil ko ng ngiti kaya inirapan niya ako. "Patay na patay ka na talaga sa'kin, South, 'no?"

"Hindi naman."

"Asus. Nagjo-joke na naman." Pang-aasar ko pero nag-poker face na naman ang babae.

Tahimik lang kaming nakatitig sa mata ng isa't isa. Bumaba yung kamay ko sa baywang niya habang nasa magkabilang balikat ko naman yung mga kamay niya. Nakaka-hypnotize talaga yung mata niya. Pwede ko na bang sabihing she's my kryptonite? Kaso ang korni naman.

"South."

"Hm?"

Hinapit ko siya palapit. Hinalikan ko yung noo niya, yung magkabilang pisngi, yung ilong, pati na rin yung labi niya. Mas nagtagal ako ro'n ng ilang segundo. Lambot kasi. "South."

"Ano?"

"Bakit hindi ka sweet?" Hindi siya sumagot kaya inulit ko yung tanong ko. "Bakit?"

"Ang daldal mo."

Natawa ako ng mahina. Ang totoo, sweet naman siya. Bihira nga lang. Siya yung tipong once in a blue moon kung manlambing kaya kapag nasa ganoong mood siya, iisipin mong may topak ito. Siyempre sinusulit ko naman.

"Ma'am."

"Hm?"

"Thank you." Yumakap siya at ibinaon ang mukha sa leeg ko. Napahinga na lang ako ng malalim nang tumama sa balat ko yung mainit niyang hininga.

"Para saan?" Tanong ko naman. Bigla-biglang nagth-thank you, wala naman akong ginagawa.

"Basta."

"Eh-" Natigilan ako nang dumikit yung labi niya sa leeg ko. Akala ko wala lang pero inulit na naman niya. "South, anong ginagawa mo?"

Maghunus-dili kang bata ka at baka ma-turn on ako!

"Why?"

"Anong why ka riyan!" Napadiin yung daliri ko sa baywang niya nang mapadpad naman ang labi niya sa tainga ko. "Stop kissing!"

"Ikaw nga riyan, kung makapasok ka ng kamay sa loob ng damit ko wagas, eh." She whispered. Simple lang naman yung bulong niya pero feeling ko tuloy nang-aakit siya. Ganito pa lang ginagawa niya pero parang bibigay na yata ako, pero hindi. Kaya pa. Nang-aasar lang 'to, eh. "Since when did I stop you?"

Hindi ako makasagot. Totoo namang gawain ko nga 'yon sa kanya, pero tiyan at baywang lang naman niya ang hinahawakan ko. Hindi 'yon tumataas o bumababa. Behave ako, eh. "South..."

Sa wakas ay tumigil na rin siya. Nakahinga ako ng maluwag. Pero obvious naman na lumalim yung paghinga ko. Tukso talaga siya.

"I love you." Sabi niya bago ngumiti. Humalik din siya sa noo ko kaya kahit papaano ay kumalma rin yung loob-loob ko.

"I love you, too."

"Happy first monthsarry."

Bigla akong natawa siya ginawa niyang pagbati kaya sinamaan niya ako ng tingin. Aalis sana siya sa lap ko kung hindi ko lang siya pinigilan. "Akala ko ba ayaw mo ng mga gano'ng kakornihan?"

Inirapan niya ako. "What? Ayaw mo?"

"Hindi, ah. Gusto ko nga, eh." I kissed her lips briefly. "Happy monthsarry din."

"Last na 'yon."

Nangingiti na lang ako sa sagot niya. Ang opposite kasi ng sinabi niya sa expression niya. Nagb-blush, eh.

Pakiramdam ko ang dami nang nangyari sa loob ng isang buwan na naging kami. Pero kahit gano'n, excited pa rin ako sa mga susunod na buwan. Excited ako pati sa magiging first anniversary namin kahit ang tagal pa no'n.

Palagi na siguro akong mae-excite na maghintay ng bukas kasi si South ang kasama ko.

Nakakatuwa lang isipin na dito ako dinala ng curiosity ko kay South. She's complicated, she's a lot to handle, she's a mystery, that's why she piqued my interest. And that interest turned into something deep. Hindi ko na nakontrol ang mga pangyayari at namalayan ko na lang na mahal ko na siya.

Mukhang imposible pero nangyari pa rin at wala akong pinagsisisihan sa lahat. Hindi ako nagsisising naging parte ako ng kwento ni South Hansen, at ngayon...parte na ng buhay niya.

_____fin

Special chapters ahead.

Next to read in the series: Besotted

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt