Alam kong may sinabi ang papa ko pero mahina lang ang boses niya.

"Puntahan nyo siya. Kunin nyo yung bata.. Wala akong pakialam kahit kaibigan mo siya!"

Nagkaroon ng saglit na katahimikan.

"Wala na akong kinikilalang pamilya ngayon."

- - - - 

"Papa bakit may dala kang ganyan?" tanong ko sa kanya nang makita kong nakasabit sa kanyang likod ang isang espada.

Alam kong bawal akong sumama sa kanya ngayon pero ilang beses ko siya pinilit. Tutal, bata pa naman ako para malaman ang panganib na mangyayari.

"Hindi mo naman sila sasaktan diba? mahina kong sambit.

Nandito na naman kami sa lugar nila. Nasan na kaya siya? Gusto ko na ulit makipag-laro. Gusto ko na ulit siyang makita.

Nang makarating kami sa harap ng kastila, huminto si papa at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan niya ang balikat ko at ngumiti. 

"Dito ka muna." 

"Bakit? Sasama ako sayo!"

Tumingin siya sa likod ko, "May nag-aantay sayo eh." Tinuro niya ang isang puno sa likod ko.

Tumingin ako at nakita ko ang isang bata na nakatago doon. Napangiti ako.

Tumayo na si papa at ginulo ang buhok ko. "Anak, wala na akong kailangan pang ituro sayo. Alam kong kaya mo nang kontrolin ang kakayahan mo."

Ibubuka ko pa lang ang bibig ko para magsalita pero pinutol niya ako.

"Ito lang ang tatandaan mo; Walang magandang maidudulot ang pagtatanim ng galit. At hindi ako magiging masaya kapag may ginawa kang labag sa kalooban mo."

-

"Bakit malungkot ang papa mo?" tanong niya sa akin nang paakyat kami sa isang burol. 

Tiningnan ko siya na parang nagtatanong. Tumingin siya sa kawalan na parang may iniisip. 

Dumaan sa amin ang isang tahimik na hangin.

"Nung kausap ka niya kanina, nakangiti siya. Pero nakikita ko yung lungkot sa mga mata niya." Tumingin siya sa akin, "May mangyayari ba?"

-

Nagpaalam siya sa akin na babalik muna siya dahil baka hinahanap siya ng mga magulang niya. 

Sabi niya na babalik din agad siya sa burol na lagi naming pinupuntahan kaya naman naglakad-lakad muna ako.

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Where stories live. Discover now