1

2K 47 26
                                    

"Khaleesi, bakit hindi ka sumali sa Mr. and Ms. HRM?" tanong sa akin ng prof namin sa bartending na si Sir P. Ito agad ang bungad niya pagkapasok sa room.

Alam ko namang maganda ako. Enebe keshe. De charot. Wala akong mapapala kung sasali ako. Buti kung cake eating contest 'yan. Saka ayokong madiscover 'noh.

"Sir, diba dalawa ang requirements para makasali?" sabat ng kaklase kong si Youngmin. Napatingin naman ang lahat sakaniya.

"Beauty and Brain. Eh sa kaso ni Khaleesi, beauty lang 'eh." saka humagalpak sa tawa ang buong klase. Aba qaqu 'to ah. Sampalin ko 'to ng kilay ko mamaya.

Nagdiscuss na si sir pagkatapos nilang makamove on sa walang kwentang joke ni Youngmin. Puro alak nanaman ang lumalabas sa bibig nila pero ni isa, walang pumapasok sa utak ko. Diba pare parehas lang naman silang lahat na nakakalasing?

"Khaleesi, anong pinagkaiba ng Gin sa Vodka?" nakatitig ako sa kawalan nang sikuhin ako ni Chase.

"Hoy tawag ka." napansin ko ngang nakatingin silang lahat sa akin.

"Pardon me Sir? Come again?" nagsi-ingayan nanaman ang klase. Kala mo ngayon lang nakarinig ng magandang nageenglish. Psh

"Anong pinagkaiba ng Gin sa Vodka." ngiti niya sa akin. Shet gwapo talaga ni Sir. Jojowain ko sana 'to kung hindi lang lalaki ang nais 'eh. Hays.

Dahil gusto kong patunayan na may ibubuga din naman ako sa pageant, taas noo akong tumayo at inisip na nasa question and answer portion ako. Stomach in, chest out. Basic.

"Thank you for that wonderful question. Ladies and gentlemen, I believe that the difference of Gin and Vodka is no other than its spelling. I...thank you!" sari saring sigawan at tawanan nanaman ang sunod kong narinig matapos kong sumagot. Nagmistulang comedy bar ang room. Anong nakakatawa sa sagot ko?

Pagkatapos ng subject ni Sir P, nagsilabasan na kaming lahat. Agad akong pumunta sa comfort room. Kala niyo naman hindi ko alam ang meaning ng CR. Tsk

"Kingina ka talaga. Ikaw lang ang may class na bobong kilala ko." pigil na tawa ni Chase. Bestfriend ko ba 'tong hayup na 'to?

"Ikaw lang din ang baboy na may class na kilala ko." ngiti ko sakaniya saka kami nagsabunutan. Charot

Biglang nagring ang phone ko at nang tignan ko ang caller, si Mommy ang nakalagay dito.

"Yesh Mommy ko?" agad kong sagot habang nagreretouch.

"Khaleesi, ngayon ko lang nakita ang grades mo! What the hell?!" Uh-oh. Danger alert!

Nawalan ako ng dugo sa mukha at napatingin kay Chase. Mukhang naintindihan niya naman agad.

"Wooshi wooooosh woooorooooshuuuu." paulit ulit niyang sabi habang nakatutok ang nguso niya sa phone ko.

"Mo----mmy di---rinig-----ba---hay----ma----ya---toot." saka ko pinatay ang tawag at napabuntong hininga. Nagkatinginan uli kami ni Chase at sabay na tumawa. Maaasahan talaga 'to sa panahon ng kagipitan.

"I know hoe. You don't need to thank me." medyo binabawi ko na pala.
--

4pm na. Papunta na kami sa room para sa last subject nang makasalubong ko ang butihin kong kuya. Bes, malapit na eh. Makakapasok na sana kami ng matiwasay sa room eh. Abot kamay na sana eh. :---)

"Diretso lang ang tingin, Chase. Kunwari hindi natin siya kilala." tumango naman si Chase at sabay naming nilagpasan si kuya.

"Hoy panget!" umalingawngaw sa buong hallway ang sigaw niya. Napatigil ako sa paglalakad at nakita kong nakatingin na samin ang lahat.

"Kausap mo sarili mo?" kalmado kong sagot saka nagtawanan ang tropa na nasa gilid lang pala niya.

"Panget ka pala Seongwoo eh." pangasar na sabi ni Jisung. Maniniwala ba kayo kapag sinabi kong close kami lahat? I know.. mga kupal sila pero mapagtyatyagaan naman.

"Tumawag sa akin si Mommy. Gusto mo bang malaman kung bakit?" ngisi niya. Sige ituloy mo pa. H'wag kalang talagang magkakamali.

"Don't worry I won't tell them." tawa niya nang makitang hindi na ako lalaban pa. Tumalikod siya at sumunod narin lahat ng tropa pagkatapos nilang kumaway sakin.

"Pumunta kuya mo dito sa building natin para lang sabihin 'yon?" kaya pala tahimik ang buong hallway. Naculture shock sa mga dumayong tourism. Lahat ba naman kanya kanyang hinto sa ginagawa at nakatingin lang samin kanina 'eh.

"Kaklase natin ngayon si Minhyun diba? Malay mo pinuntahan nila." and speaking of the devil, lumabas ng room si Minhyun at natawa nang makita ako.

"Iilang subject lang tayo magkaklase pero feeling ko buong araw kitang nakasama dahil hot topic ka sa room. Sure ka bang kapatid mo si Seongwoo at Daehwi? Dean's lister ng buong tourism at senior high?" sabi sainyo kupal silang lahat 'eh. Lalo na 'tong bwisit na 'to.

"Teka may babawiin lang akong iPad na nairegalo ko nung birthday niya." saad ko saka nagulat si mokong.

"Joke lang. Ito namang si Khalee hindi mabiro. Qt qt mo talaga." nakita kong nandiri ang mukha ni Chase sa gilid ko. I know, hindi kami natutuwa sa ginagawa ni Minhyun.

"Get lost. Lumayas ka sa paningin ko." wala pang limang segundo ay nakatakbo na siya palayo sa amin. Pakiremind nga kung bakit ko siya niregaluhan 'eh halos puro perwisyo ang abot ko sakanilang lahat?

Pagpasok namin ng room, nagkumpulan ang lahat sa upuan ng president. Wala palang prof kaya nagattendance nalang. Dapat talaga hindi na kami pumasok eh. Kaya pala dali daling umalis si Minhyun. Master talaga ng uwian.

"Ikaw na magattendance sakin, iihi lang ako ha?" yugyog sa akin ni Chase. Pagkalingon ko, wala na siya. Wth

Lumipas ang sampung minuto at hindi parin siya nakakabalik. Ako nalang ang tao sa room. Don't tell me umuwi na siya?

1 new message
Sender: Chase

"Oy diyan kalang huh. Jumejebs ako. Mapapagod kalang kakaantay sakin kung sa CR ka pupunta. Amma go there after ko dito. Hehehe."

Sabi na eh! Bastos talaga.

Lumabas ako at nagtungo sa bench sa pinakadulo ng hallway. Wala na masyadong tao dahil nagstart na ang last subject. Dito nalang ako tatambay para agad kong makikita si Chase pagbalik niya.

Habang naghihintay, nauhaw ako. Great. Good thing may fountain malapit sa bench. Pero hindi ko pa 'to natatry gamitin. Basic lang siguro. Based sa mga students na nakikita ko, ilalapit mo lang bibig mo tapos may tubig ng lalabas diba? Nakakatamad kung bababa pa ako para bumili ng tubig saka baka magkasalisihan kami ni Chase.

Kaya pumunta ako sa fountain at inilapit ang bibig ko sa labasan ng tubig. Ilang minuto akong naghintay pero wala paring lumalabas. Diba may sensor naman 'to? Baka hindi gumagana?

Sinilip ko ang labasan ng tubig hanggang sa..

ASDFGHJKL@1#85AGK3UDJWJD!!!! BUMULWAK LAHAT NG TUBIG SA MUKHA KO! SOBRANG LAMIG PA NAMAN JUSKO!! BASTOS 'TO AH?! KANINA NAKABUKAS BUNGANGA KO WALANG LUMALABAS TAPOS NGAYONG---

"Miss, naghihintay ka bang kusa kang paiinumin niyan?  O bobo ka at hindi mo alam gamitin? Kita mo 'to diba? Tatapakan mo lang ha? Hindi na ako nakatiis pasensya ka na antagal mo kasi at nauuhaw narin ako. Next time bumili ka nalang ng tubig para hindi ka mapahiya." nakatunganga lang ako buong magdamag mula nang uminom siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.











:------------)




















"PAKYU KA SINIRA MO KILAY KO!!!!!"
**

MR.SEXY || KANG DANIEL (editing)Where stories live. Discover now