Chapter 3 Naniniwala na ata ako....

103 2 0
                                    

-Flashback

"Pare, si Abby lang pala gusto mo eh! Yeehee.. Abegail!", tukso ni James, na parang biglang nagising.

-End of flashback

Kung iniisip nyong tumigil ang mundo ni Abegail nang marinig niya ang sinabi ni Kenji, nagkakamali kayo..

"Ano?", sigaw ni Abby kay Kenji.

"Huy, Abby, easy lang, blood pressure mo.. okay, breathe in.. breathe out..", sabi ni Sabrina habang pinapakalma ang best friend nyang mukhang asong magwawala..

Halatang may halong confusion ang expression ni Abby.

"Ano uli yun Daryl?", tanong ni Abby sa lalaking naksandal sa kanyang upuan.

"Sabi ko, crush ka ni Mark.", cool na sabi niya, na parang naiirita na.

Sa hindi niya malamang dahilan, namula si Abby, at nagmistulang kamatis.

"Oh,Abby, kaya naman pala nagustuhan ka ni Mark, eh kakulay mo pala ang beloved tomato niya!", pang-aasar ni Kenji. (Paborito ni Mark kasi ang tomato :">)

"Ewan ko sa'yo Kenji.", sagot ng dalaga.

"Yehee.. kinikilig ka din naman eh.. Mark oh.. ", tuloy pa ni Kenji.

"Kenji…", pangsasaway ni Kevin nang mapansin niya galit na si Abby.

"Wag mo nga kong pigilan Kevin.. kasi alam naman nating lahat na….."

Naasar si Abbby at WAPAK!

Bumagsak si Kenji sa sahig.

"Tara na nga Sab, doon muna tayo sa garden, wala pa namang 1:30 eh..", sabi ni Abby habang hinihila ang sinabing babae papunta sa labas.

-Sa loob ng TLE Room-

"Sabi ko sa'yo 'tol.. wag mong gagalitin si Abegail.. ", sabi ni Kevin kay Kenji na tila KO parin..

Pumasok naman si Mark.

"Anong nangyari kay Kenji?", habang wini-wave ang kamay niya sa harap ng tila walang malay na lalaki.

"Sinapak ni Abby.", sagot ni James mula sa likod.

"Ahh… Ha? Nandito kanina si Abby?", gulat na tanong ni Mark.

"Oo, eh bakit parang nagulat ka?.", singit ni Daryl.

"Ha? Ah-eh, hindi ako nagulat ah... Teka, may sinabi ba kayo sa kanya?", tanong ni Mark.

"Ahh.. ehh..", sinubukang magpaliwanag ni Kevin.

Tinignan ni Mark si Kevin gamit ang kanyang 'papatayin-kita-pag-nalaman-kong-meron-kang-sinabi-kay-Abby' death glare.

Tumindig ang balahibo ni Kevin…

"Ah-eh, siyempre wala.. diba guys?", tanong niya sa iba pa nilang mga kasama na wala naring ibang magawa kundi sumang-ayon sa sinabi ni

Kevin.. pano ba naman sila aamin, eh papatayin kaya sila ni Mark.

Sa isip ni Mark.. ‘Pusang gala.. ano ba yan? Siguraduhin lang nilang wala silang nasabi…’

Sa isip ni Kevin.. ‘Pano ba 'yan.. nasabi na namin.. 'pag nalaman niya.. siguradong patay.. Kailangang kausapin namin si Abby...’

"Hayy.. Ewan ko sa inyo.", sabi ni Daryl habang unti-unting napapatulog.

Sa garden

"Nakakainis talaga si Kenji..", sabi ni Abby habang naglalakad ng pabalik-balik sa harap ni Sabrina, at tila nagsasalita mag-isa.. Baliw ba 'to?

Mahal ko ang Isang Dakilang EpalWhere stories live. Discover now