Ang Savior Ko at Ang Tutor Ko

148 3 0
                                    

Hay. Mapapatay ko 'tong Mark na to eh.. Nakakainis na siya.. Pero mas malaki ang problema ko ngayon.. Pano na 'to?

Bahala na..

"Ma'am, sorry po.. pero..", panimula ko. Tatapusin ko na sana ang sentence ko nang biglang tumayo si Kevin, isa sa mga kaklase ko.

"Ma'am Salve, excuse me, but is it okay kung ako nalang ang sasagot sa problem?", sabi niya. Tumango si Ma'am at si Kevin ang sumagot sa problem.

Salamat! Talagang malaki ang utang na loob ko kay Mark ngayon.

As usual, nasagot niya yung problem. Ang galing kaya niya sa Math, yun nga lang, sa Math lang.

Flashback

Naglalakad ako sa hallway nang Makita kong nakaupo si Kevin sa isang tabi at nagso-solve ng mga math problem.

"Uy, Kevin, ngayon lang yata kita nakitang mag-aral ah.", biro ko.

"Math lang inaaral ko.. ito lang naiinitindihan ko eh", sagot niya sabay tawa. Ngumiti ako at naupo rin sa tabi niya.

"Hmm… ganun ba? Eh kung matalino ka sa math, eh di madali mo ring maiintindihan ang iba pang subjects..", sabi ko habang tinitignan ang ginagawa niya.

"Naku, sinubukan ko na yan… hindi ko talaga kaya.. yung grade ko lang yata sa math ang nagpapasa sa kin eh.. swerte nalang ako at major subject siya..", sagot niya habang nakangiti..

At ayun, nagkwentuhan kami nang matagal.. tungkol sa mga subjects at school matters.. Simula noon, naging close na kami..

End of Flashback

Pagkatapos sagutan ni Kevin ang problem, nag-bell na. Next period na. Salamat sa Diyos at nakaraos din..

Lumabas si Kevin mula sa classroom..

"Thank you talaga Kevin! Promise, Ililibre kita mamaya!", sabi ko habang niyayakap siya.. Uy,.walang malisya yan ha.. friend ko lang siya! =)

"O, sige na.. Basta ilibre mo ako mamaya.. may utang ka sa kin.. at tama na ang yakap.. sabihan pa taung nagpi-PDA..", sabi niya ng nakangiti. Bumitiw na ko at ngumiti. Ngayon ay papatayin ko na si Mark Anthony de Leon na 'yun.

"Hoy, Mark! Ano ba, ba't kasi tinawag mo pa ko kanina, eh alam mo naming mahina ko sa Math!", sigaw ko sa kanya..

"Hn.", iyon lang ang sagot niya..

"Hmm.. Ms. Gomez, napapansin ko ngang medyo mahina ka sa Math.. at ikaw naman Mr. de Leon, sobrang galing mo sa subject ko..". Hindi namin napansin na nariyan pala si Miss Salve. Napatigil na lamang ako sa pag-sigaw..

"Alam ko na ang magiging solusyon sa problema mo sa subject ko Ms. Gomez…", sabi ni Ma'am.

"Ano po iyon Ma'am?",tanong ko.

"Bibigyan kita ng tutor.", sagot niya.

"Talaga po? Sino po?", tanong ko uli.

"Si Mr. de Leon.", sabi niya..

"ANO PO?", sigaw naming dalawa ni Mark.. Ayan,, sa sobrang gulat ko nasigawan ko na yung teacher namin..

"Ma'am, iba nalang po.", biglang singit ni Mark.. tama siya. Iba nalang!

"Oo nga ma'am, si Kevin nalang po.. magaling din naman po siya sa Math.. mas magaling pa nga po yata sa Mark na yan eh,,…", dagdag ko..

"Hindi pwede, kasi kailangan din ni Kevin ng tutor, bagsak yata ang English niya.. ", sabi ni Ma'am..

Hindi na ako nakakibo, hindi na rin nagsalita si Mark..

"So, okay na. From now on, magiging tutor mo na si Mr. de Leon, at Mark, tuturuan mo na si Abby ng lahat ng alam mo tungkol sa math, okay?", sabi ni Ma'am at umalis na.

Mahal ko ang Isang Dakilang EpalWhere stories live. Discover now