Chapter 36: Kingdom of Crystals

1K 27 0
                                    

Jamaica Villanueva 

 Nasampal ko ito nang malakas dahil sa ginawa. I was shock again. Nakakailan na 'to! He's not even a friend yet he kissed me!

 "A-anong ginawa mo..." Mahina Kong bulong dahil sa gulat. Agad Kong nakita ang mabilisang pagkawala ng emosyon sa mata ng prinsipe. Hindi ito sumagot at naunang maglakad. Napakabilis ng paglakad nito kung kaya't lakad-takbo ang ginawa ko. 

"Ay!" Nasabi ko dahil sa biglaang pagkatapilok. Inatake ata ako ng malas. Nakikita ko ang papalayong bulto ng prinsipe na hindi ata namalayang natapilok ako.

 Ilang segundo ang lumipas nang may marinig akong buntong hininga mula sa likod ko at bigla akong kinarga. That bridal style. Nagulat ako at akmang susuntukin ang kumarga sa'kin nang malaman kung sino ito. 

 "Prince Z-zach..?" Paano napunta sa likod ko? Nagtataka pa rin ako pero nakatingin ako sakaniya. Diretso itong nakatingin sa dinadaanan namin at napakalapit ng mukha niya! Omygod, feel ko biglang uminit ang Earth. 

 "AAAAHHHHH!!! DAHAN-DAHAN LANG!!! BWISIT NAKAKATAKOT!" Nagpupumiglas ako nagtitili dahil sa biglaan niyang paghigh-jump ala Light-- pag sinabi kong high-jump ala light, its exaggerated! Ang high-jump nila dito ay almost sintaas ng 3rd floor! Parang vikings sa perya! Bwisit! Takot ako sa heights! I thought it was something romantic where the boy would carry the girl gently in a bridal style. Panira! Akala ko mae-experience ko na ang usual magical fantasy story romantic scenes and such. 

 "Calm down, shit." Napakasama ng tingin ng prinsipe sa'kin pero wala akong pakialam.

 "TAMA NA! AYOKO NA!"  Bahagya akong kumalma nang nasa baba na kami. 

 "Afraid of heights are we?" Inirapan ko si Prince Zach. Malapit na akong maasar dito. Konti nalang at mapupuno na ako. After few seconds of using his super speed ability ay nakarating na kami sa isang malaking ulap kung saan nakatambay ang mga pegasus at carriage and all those transportation stuffs we can use when it comes to travelling. 

 "Nasa'n sila Erha?" Taka Kong tanong.

"They left already." Sagot ni Prince Zach sabay turo sa tatlong carriage na lumilipad malayo-layo na rin sa pwesto namin at may iba't-ibang design ito. And it looks elegant. 

"J-Jan sila sumakay?" Gulat at mangha Kong tanong. Ang galing! 

 "Yeah." He answered like it was a usual thing. Bigla itong sumenyas ng kung ano man sa isang staff ng transforlight (pangalan ng ulap na may mga transportation sa Light academy) at pagkatapos ng ilang minuto ay biglang lumapit sa amin ang napakagandang carriage na may mga pegasus. Napakaganda nito at open ito, means walang bubong. 

It was scary but beautiful. I bet the carriage is made of gold. It's simple actually. The carriage is the design itself. It suits in any background. 

 "Let's go. Late." Nauna nang sumakay sa carriage ang prinsipe. Napa-roll eyes nalang ako dahil hindi ito gentleman. Dahan-dahan ang paglipad ng carriage pataas. And it was scary. I felt like falling but to my surprise, the driver of the carriage told me that the carriage itself was made with a special spell to produce it's own gravity inside so there's no need to worry. But still, its scary. May fear of height nga kasi ako. 

 "Idiot. Don't close your eyes. Open it. The view is lit." The prince suddenly said. 

 "Nope. Manginginig lang ako sa takot." 

 "Tss."

 "Sige na nga! Bwisit!" Binuksan ko ang mata at napa-wow nalang dahil sa ganda ng view.

 Distance makes everything seems small. The large field of Light whom I remember na nakakapagod lakarin looked so small from above. The buildings and all looked small. And they were slowly filled by clouds until I can't see them anymore.

"See? Isn't beautiful?" Napalingon ako this time sa prinsipe. He was looking in the front. Sumunod ako dito-- only to see a beautiful palace worth dying. 

 "This is the Kingdom of Crystals." Yes, it is indeed. I could see a lot of Crystals around the palace. Siguro ang yaman ng mga mage dito. I can't imagine how much those crystals costs. Katulad ng transforlight, nasa ulap ito. But the differrence is that the Palace is way more aesthetic than transforlight. Hindi nakakasawang titigan. Nakakabusog sa mata.

 "Ang ganda..." nakakatomboy. Charot. 

 "First time, right? That's my reaction too. 18 years ago." 

 "Bata ka pa no'n?" 

 "Yeah. Obviously." Napatingin nalang ako nang masama sa prinsipe na tinaasan ako ng kilay. How dare him 'obviously-zone' me! Walang may karapatan! 

 "We're about to land. Kapit. Malakas ang hangin." Tumango ako at luminga-linga sa paligid. Few seconds ago at automatic akong napahawak sa braso ni Prince Zach dahil sa biglaang paglakas ng hangin. Downwards din ang direksyon ng carriage at nakakatakot. Lalo na at walang roof. Open. Feel ko tuloy mahuhulog na ako... sayo. Charot. 

Finally, we arrived safely. But we didn't land near in the main door of the palace, so we have to walk for few minutes para makapasok sa palace. Nakakamangha. Kumikinang ang palace, literally and figuratively. It stands tall and almighty and it looks fragile and clean. 'Yung tipong bawal dapuan ng kahit anong klaseng dumi dahil mukha itong banal. AAaaAAaaaAaa. My heart.


After few moments, nakapasok na rin kami sa palasyo. Bumungad sa'min ang malaking fountain na gawa sa dyamante at ibang mga puno na kumikinang ang dahon. Ang lahat dito ay kumikinang, but it wasn't something annoying in the eyes. But instead, its something that can make a person feel good and happy. 

May malaking hallway sa gitna at kalsada sa gilid. Unfortunately, the road wasn't shining. That would be weird. The rest was a big field of grass at may mga pets din dito such as small unicorns that has diamond accessories. 

Naglakad na kami papunta sa grand door kung saan kami makakapasok sa palasyo. Nang makalapit sa double door na super laki, matik itong bumukas at naramdaman ko na welcome ako dito. I don't know, is it me being assuming? Chaaar.

"This palace has healing atmosphere. Kahit walang ganap, you'll feel happy staying here. I used to sneak in everytime I feel sad."

Napatango ako sa fun fact ng prinsipe. "Mga ilang beses kang pumupunta dito?"

"Are you trying to ask how many times I get sad? Are you concerned?" 

Napacross arms ako sa sagot ng prinsipe. Aba, makapal! 

"Edi 'di na magtatanong, wag na sagutin, duh?" I gave him a 'duh' look. Umiling-iling ito at nauna nang maglakad. Ilang sagutan pa at bangayan ang nangyari bago kami makarating sa Royal Kitchen of Crystal Kingdom kung saan kami naatasang pumunta. Ewan ko sa Prinsipe at ngayon lang nag-suggest na magteleport kami. Dapat kanina pa!

After few milliseconds, narating na rin namin ang destinasyon. Agad ako ginapang ng kaba nang makita ang bulto ng babaeng nakatalikod at may suot na korona. She looked elegant from afar and her tindig looks classy. My heart, pakikalma!




(A/N: Sorry for the slow update. I'm having a hard time writing. Literally. Currently facing writer's block and I wasn't able to write atleast a paragraph or two for the past few weeks. I have to thank Halsey's song for making me came up with this chapter even though for some, it may seem dull. Thankyou for reading!)










Destined FateWhere stories live. Discover now