Chapter 1: Dream?

9.1K 210 53
                                    

Jamaica Villanueva

"Jamaica, Bessy!" Matinis na sigaw ng aking matalik na kaibigan ang bumungad sakin papasok sa eskwelahan.

"Anong kailangan mo bakla?" Naiinis kong tanong. Siya naman ay sinasabayan ako sa paglalakad.

"May bagong karinderya malapit sa'min! At nangangailangan sila ng katulong sa tanghalian. Diba gusto mong magkaroon ng isa na namang part time job para kumita?" Nakangiti niyang tanong.

"Gora ako diyan bakla!" Limang part-time jobs ang meron ako: Sa sabado, cashier sa isang 7/11 na tindahan, sa gabi naman ng sabado, waitress ako sa isang bar mula 7:00 pm hanggang 12:00 am. Pagdating ng linggo, saleslady ako sa isang mall mula 10:00 am hanggang 10:00 PM, At ngayon, madadagdagan na naman ito.

Pumasok na ako sa classroom namin, kasabay ko lang din ang teacher namin para sa unang asignatura.

"Good Morning Class!" Maarteng sabi ng teacher habang patapon na inilagay ang mga libro sa teacher's desk.

"Good Morning Ma'am!" Bati namin pabalik subalit tinaasan niya lang kami ng kilay. Terror.

"I am Mrs. Tarranza, your History Teacher." Nakangisi niyang sabi at inisa-isa kami ng tingin. She's wearing eyeglasses and I think her red lipstick slay!

"Mr. Lee, sino ang pambansang bayani?" Confident na tumayo si Mr. Lee atsaka nagsalita.

"Easy as pie. Edi si Jose Rizal." Sabi niya at sinapo pa ang makintab na buhok. Parang nilagyan ng wax.

As if naman ikinagwapo niya 'yun

Lumipas ang ilang minuto at inisa-isa niya kami ng tanong. Hanggang sa dumapo ang tingin niya kay bakla.

"Mr. Keith Phiro!" Tawag niya kay bakla. Ito namang si Keith, nagkamot lang ng ulo.

"Tayo!" Sabi ni Mrs. Tarzan. Dahan-dahang tumayo si bakla. "Sino ang pumatay kay Lapu-Lapu?!" Sigaw ni ma'am.

Agad na nanlaki ang mata ng bakla. "M-maam.. H-hindi ako ang pumatay kay lapu-lapu" nauutal niyang sambit.

"HAHAHAHAHA!" Tawa ng klase. Agad namang pinalo ng teacher ang desk ni Keith. Pfftt. Kaya natahimik ang lahat.

Langya. Ang bakla talaga ni Keith. Kung di lang talaga 'to bakla, pinatulan ko na. Wahaha. Ang yummy eh!

Landi mo na naman, Jamaica.

"Sit down!" Sigaw na naman ni ma'am at tinawag si Ms. Islander.

"Ms. Erhana Danaya Islander. Ilang taon tayong sinakop ng Espanya?!" Sigaw niya.

"333 years ma'am" pormal niyang tugon. May konting pagiging maarte ito at war freak. Minsan nga ako ang inaaway lalo na kung malapit ang table ko sa table ng isang famous na playboy sa paaralan namin, si Tyrone Taylor.

"Very good! Last but not the least! Mr. Zachary Shadows. "What is the legendary band in the world?!''

Pasimpleng tumayo si Zach at sumagot. "Bts, sunod Exo, then Blackpink at twice-----"

"Go to my office!" Pfftt. Ano ba kasing tanong ni ma'am? Sinagot lang naman siya ni Zach ah? Tsk tsk tsk.

Lumipas ang oras at nagsunod-sunod ang klase. Lunch break na ngayon kaya dumiretso ako sa karinderyang sinasabi ng bakla para maka-apply. Sayang naman kung di ko pa tatanggapin. Sa panahon ngayon, kailangan nating magsikap para makaahon sa kahirapan.

"Lola, balita ko ay nangangailangan daw kayo ng assistant dito tuwing tanghali?" Pukaw ko sa isang babaeng nasa 50 na ata ang edad.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa atsaka ngumisi. Creepy.

Destined FateWhere stories live. Discover now