Chapter 7: EA Games

4K 105 16
                                    

Jamaica Villanueva




Yung feeling na tila isa akong hangin ay biglang nawala nang magsalita ang dean.

"You may now go out, Ms. Villanueva. Here is your newbie allowance and things." Sabi niya at inabot sa akin ang isang shoulder bag.

Napangiti ako. "Salamat, dean." Sagot ko at umalis na pagkatapos isakbit ang shoulder bag.

Nang makalabas, ang unang pumasok sa aking isipan ay ang aking baton.

Gosh! Nasaan na kaya iyon?

Hindi ko alam kung nasaan ang lagusan na nilabasan ko kanina. Hindi ko na ito mahagilap. Kaiyak!

'Wag mo na iyong problemahin. Maglibot-libot ka na lang muna at kabisaduhin ang buong paaralan.' Rinig na rinig ng aking tainga ang malamig na tinig ng aking kaluluwa.

I should trust my soul. So yeah, maglilibot ako!

Mula sa aking kinatatayuan, which is sa tapat mismo ng Dean's office matatanaw ang malalaki at magagarang gusali.

Sa left side ng south part ng school (napakalaki ng Light Academy!) ay isang building na may magical banner na 'Junior High Mages' at sa right side ay 'Senior High Mages' sa gitna nito ang pinaka malaking building with a banner na mas malaki, mas magara at mas magical tignan, 'Superior High'.

Sa west side ng school makikita ang apat na building na batid ko'y ang dalawa ay cafeteria, ang isa ay ang 'Dorm West' (which is isa sa floor nito ang dorm Newton) at ang isa ay isang shop or considered as mall na ata.

Sa east side makikita ang pitong building na hindi naman kalakihan. 'Knights High', 'Dean's Office', 'East Dorm', 'Library', 'Magic Lab', 'Hospital', at 'Mini-Gymnasium'. Alam ko ito dahil sa kaniya-kaniyang banners na nakasabit dito. Hindi naman jeje na banners ang tinutukoy ko. In fact, nakaka dagdag ganda ito sa mga gusali.

Sa north part ay ang 'Airportation'. I don't know kung anong purpose nito pero nakikita ko ang mga unicorns at mga jet-like na things. Ang cool!

Sa gitna ng school ay Gymnasium, malaki ito. Kung sinabi kong malaki, malaki talaga! Then open field na yan. Napakalawak! Sampung beses na mas malawak ito kesa sa pagmamahal niya sa akin! Charot!

Nakakasakit ng tuhod ito lakarin. Pero ang ganda pa rin ng paaralan! Nakakamangha! Ilan kaya ang estudyante dito?

Nilibot ko na nga ito. May ibang part ng paaralan na may pasikot-sikot. May mga eskinita rin at mga rooms na hindi na ata nagagamit.

Since tapos na akong maglibot, umupo ako sa malapit na bench at sinilip ang laman ng maliit na shoulderbag.

Binuksan ko ito at biglang lumitaw as in lumutang ang iba't-ibang bagay.

Ang cool!

Mapa, wallet, cellphone, baton case, ballpen, piece of paper.

Feeling ko tuloy ang techi ko. Pero char lang, ahihihi.

"Kyaaaaa!"

Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsigaw ng mga estudyante (mostly ay babae, or should I say lahat) habang tumatakbo papunta sa gymnasium at halos lahat ay may dalang iba't ibang klase ng banners pati na ata lightstick! May concert?

Napailing na lang ako at wala sa sariling sumunod sa mga nagtatakbuhang mga fans.

Napafastwalk tuloy ako dahil sa bilis nilang tumakbo. Nakakahingal!

After 30 minutes naabot ko na rin ang gym. Ganiyan lalaki ang school! Fast walk ko iyon ah!

Pagpasok ko, wala akong ibang marinig kundi mga hiyawan. Halos mapaos na ata ang iba habang patuloy na humihiyaw. Wala na rin akong makita ng bakanteng upuan, maliban na lang sa tuktok na part. Which is useless naman upuan dahil hindi na makikita ang nasa baba.

I rolled my eyes at umupo sa hagdan. Nasa taas na part ako, hindi na medyo matanaw kung ano ang ganap sa baba pero mapagtitiisan pa din naman.

Mula sa malayo, natatanaw ko ang tatlong lalaki at isang babae.

Si Zach, Keith, Tyro at Erha!

Ang famous pala nila dito. Napaka-sosyal nila tignan. Suot suot nila ang kanilang mga fighting attire ata? Since mukha silang lalaban. Hehe.

I must admit, ang ganda ni Erha! She's like a goddess! Habang ang mga boys naman, ang g-gwapo! Parang mga diyos!

Na starstruck ata ako. Ahehehe. Sinampal ako ng katotohanan nang mabanggit ang aking pangalan.

"Calling for the attention of Ms. Jamaica Villanueva and Ms. Britney Land. Please proceed inside the transparent barrier for the identying of sections." Sabi ng speaker. Naguguluhan man, nagkibit balikat na lang ako.

Baka pala iba ang tinutukoy nilang Jamaica Villanueva.

"Again, Ms. Jamaica Villanueva. Please proceed inside the transparent barrier." Sabi ulit ng speaker kung kaya't wala na akong ibang nagawa kundi bumaba.

Nagaalinlangan man, pumasok na ako sa barrier. Even tho wala naman akong nakikitang barrier.

Transparent nga diba, wag shunga selp.

Pagpasok, bumungad sa akin ang nakangising mukha ng isang babae. Batid kong siya si Ms. Britney Land.

"Hi!" Nakangiti kong bati at inabot ang kamay. Tinaasan niya lang ako ng kilay at inirapan.

Taray!

Nagkamot na lang ako ng ulo at tumingin sa biglang nagappeear na screen.

Hindi ko na rin nakikita at naririnig ang libo-libong estudyante naghihiyawan.

"Welcome to EA game." Panimula ng speaker. Nagtataka ako. Ano ang EA game?

"Ang EA game ay Emotional Addition. Kung saan sa bawat pagsubok na iyong haharapin ay ang iyong kahinaan. Ang tanging gagawin ay ang makalabas sa patibong ng kasinungalingan. Gayunpaman, labanan ng emosyon ang kailangan upang malaman kung saang section ka nabibilang!" Halos mabingi ako sa malakas at klaro nitong pagkakasabi.

Destined FateWhere stories live. Discover now